Kadadating lang namin galing sa family dinner ng sister ni
peanutbutter♥ at ng soon-to-be-husband nya and his family.Hay,kakapagod...si Ykaie naman kasi napaka-hyper.Gusto maglakad sya ng maglakad,tapos ang daldal-daldal.Gusto pa piktyuran sya ng piktyuran ng kapatid ng kanyang ninong.

Pa-cute ng pa-cute. Nakakalurky!!!

.
A random shot sa Cabalen sa Trinoma where we had dinner kung saan di ko naramdaman ang dinner dahil sa likot ng aking anak.At sa dinami-dami ng pagkakataon nga naman,kung kelan may mga kaharap kaming mga ibang tao..dito pa pinili ni Ykaie na weewee-an ako sa pantalon

. Buti na nga lang at medyo dark ang pantalon ko at hindi halata. (wag kang maingay huh? secret lang natin yun)..
Gustong-gusto ko mag-chocolate fountain kasi meron sa buffet table kaya lang nung pwede na akong mag-ganun,wala ng masyadong chocolate at wala na rin masyadong tao na kumukuha

...nakakahiya,kaya pinag-isang stick ko na lang si Ykaie ....Naku,magre-rent talaga ako ng chocolate fountain sa birthday ni Ykaie at kakain ako ng kakain..nyahahaha.(Inggitera ako no???)
Picture muna bago dinner.Ayan nag-ice cream pa kami nila Ykaie kaya sya hyper na hyper kinagabihan.

Konting picture-picture.

,pa-sweet lang muna habang hawak ni Lola Lucy si Ykaie.
-------------------------------------------------------------------------
Noong pauwi na kami kanina may nakasalubong kami na family.May nanay,Tatay at parang 2 Yaya.Tulak-tulak nung yaya yung bata na nakasakay sa stroller at yung isa naman ay may dala-dalang iba't ibang klaseng gamit at 3 pirasong lobo (balloon).Yung batang nasa stroller may tulak-tulak na manikang naksakay sa mas maliit na stroller. Hay buhay nga naman,sabi ko kay peanutbutter♥...
Ako: Iintindihin mo na yung batang naka-stroller,iintindihin mo pa yung tinutulak nung batang naka-stroller??
PB: Oo nga no? Pero mukha naman silang may sasakyan eh..
Ako: Oo nga..at yung yaya,tingnan mo,parang may yaya din sya......hahahaha
Heheh,ang taray kasi dalawa-dalawa pa ang yaya.Akala ko ba naghihirap na ang mga tao?? at tag-hirap sa Pilipinas??? Bakit na-aafford pa nila magsama ng yaya na may yaya sa mall???

.Oy ha,di ako naiinggit dahil sa di ko afford mag-hire ng yaya....wala lang.Natawa lang ako sa thought na ang Yaya may yaya...
Amo: Yaya, can you give this to your yaya....
Ahahaha....