
IV yung pain reliever pero di naman masakit.Hala,masakit pa rin yung dibdib ko pagkatapos nun. Na-ECG ako at maghintay daw sa babasa ng resulta. Grabe, natakot ako, ayoko yata matigok at bata pa ako. Isa pa paano na si Ykaie pag na-dedz ako?
After a few hours, tinanong nila kung kamusta na daw. Masakit pa rin. Pina-inom ako ng Itherax, bangag ang lola nyo at nakatulog naman kahit papaano.Nagpunta na nga si peanutbutter♥ at pinalitan si ate sa ospital.
Gabi na hindi pa rin dumadating yung babasa nung ECG result. Sabi nung doctor na tumingin sa akin ay normal naman daw ang ECG ko at bumalik ako after 3 days sa heart center nila para sa complete reading nung ECG. Di naman ako satisfied sa result dahil hanggang ngayon ay di pa rin normal itong dibdib ko. Masakit pa rin pag humihinga ng malalim at masakit pag humihiga ako.
Baka pumunta ako sa San Lorenzo at pa-check-up dun. I'll be posting my other entries as soon as maging regular ang takbo nitong puso ko.