Thursday, April 9, 2009

Acuatico Beach Resort



Noong naghahanap pa lang kami ng beach resort na mapupuntahan sa Batangas ay nakita namin ang website ng Acuatico. Bagong gawa ang resort na ito at bonggang-bongga ang itsura.At naku,bonggang-bongga rin ang presyo. Isa ito sa mga high-end resort na meron sa Batangas. At dahil nga low-budget kami ay sabi namin next time na lang kami pupunta dito,mag-iipon muna kami..hahaha
(Nag-try si sis mag-inquire dahil may dadating syang friend from US na gusto nyang ipasyal pero fully booked na)

Pero ang kapalaran ay mabait,mwahahaha..Tingnan mo nga naman at next door neighbor lang ng Tivona ang Acuatico.


Sa kagustuhang makita ng personal at maki-usyoso na rin, go kami sa restaurant ng Acuatico.



Halo-Halo (P150)
I ordered Halo-Halo. O diba? bonggang-bongga ang presentation pati na ang presyo pero di ko masyadong na-enjoy ang lasa.


Mojito (P220)
Si peanutbutter naman ay nag- Mojito pero sabi nya ay hindi daw yun ang lasa ng Mojito na hanap nya.


Pose muna bago mag-halo-halo..hehehe


With the infinity pool as our background. Hay, lurky ang lola nyo at gusto ko ng lumipat dito. Isipin nyo may mga active lifeguards pa by the pool. At may playroom pa for the kids. Lahat na yata ng comfort at kasosyalan ay nandito.


Hayan, family picture para naman masulit ang ibinili ng halo-halo at Mojito...haha

11 comments:

eds said...

ang taray .. pameke hehehe.. pwede mo na ring sabihin na sa acuatico ka nag-stay. bonggang-bongga! hehehe .. at yang halo-halo mo na yan takw tingin.. kung ako yan, mag-iice candy na lang ako hehehe.. sama nito pang ice tubig lang ang budget ko hano?

pet said...

hi mommy peach ang laki ng puhunan nyo sa pix dahil bumili ka pa ng halo halo at mojito..pero sabi nga ni tita eds, pede na rin sabihin na dun kayo galing dahil nga sa pix..parang mahal nga dahil sa ganda ba naman kahit sa pix lang ano?

misty said...

hahaha, kakatawa naman adventures nyo.. ang ganda ganda nga ng venue noh, sarap ng ambiance... sarap din ng presyo hahaha..

EJ said...

Wow, that's an inviting place... What part of the Phils is Batangas?

chubskulit said...

Hay buhay, nakikiusyuso tong esposo ko peachy hehehe.. san ba daw ang batangas eh mahina ang lola mo sa geography hahaha... love that place.. sarap magtampisaw!

Anonymous said...

ei alam mo ba kung pano pumunta ng acuatico ng commute lang? if ever pasend naman sa email. hackconsole@yahoo.com tnx!!

sanepsychogoddess said...

My husband and I stayed here for 3 days and 2 nyts last year, okay ang service nila. And since the resort can only accommodate about 50 guests, hindi ganun ka crowded. Their infinity pool room is comfy, (with a 32" LCD tv!), the only downside is the bathroom is quite small, but all in all, ok talaga mag stay sa Acuatico.

Anonymous said...

the best tlga dyan sa acuatico 1st class resort walang panama mga beach resort sa balete... pag my pera kme kc maxado mahal dyan kme ng mga relatives ko sa balayan

Anonymous said...

hay naku...sorry ha pero ito lng commnent ko,sa lagay na yan mukhang hindi kayo nag enjoy sa trip nyo!i suggest next time kung gusto nyong mag unwind lalo na sa mga kagaya nitong lugar na tourist spot,mas magandang maghanda kayo para walang comment dito,comment doon.isipin mo nalng hindi lahat ng tao iisa ang gusto,at lalong hindi lahat na ppleased ng mga staff isipin mong may kanya kanya tayohg taste.you might not like their way of servings and so..pero ung iba nag enjoy naman doon.parang sinisiraan mo nalng ang place...kung hindi ka nagenjoy then i felt sorry for you pero wag na yung kung ano anong panira like ang gawin,malay mo may sarili kang concepto pero totally magkaiba ang sa management nito..un lng happy day!

Mia said...

Dear Peach, Thank you so much for posting such beautiful pics and your lil one is such a cutie pie <^._,^>
Glad to have checked this page for I'm kind o dizzy already searching for a nice place/resort to stay around this are.

anney said...

ay may echuserang frog! Anong paninira sa place ang ginawa? Kapag may hindi ka nagustuhan sa isang lugar, natural negative ang comment alangan namng magsinungaling ka. Syonga ka anonymous?

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin