Thursday, April 30, 2009

May crush ako....

tama ba ito na may asawa na ako nagkaka-crush pa ako?? Paano naman kasi ang cute-cute nya.Tuloy lagi ko na lang syang naiisip. Umaga't gabi sya na lang ang laman ng isipan ko.Ang ganda kasi ng katawan nya tapos pati mata ang ganda rin.Mahilig pa naman ako sa dark..Parang tall,dark and handsome pero sa kanya yung "dark" lang ang gusto ko.

Haaaayyy..(may kasamang buntung-hininga) Tuwing nakikita ko sya, bumibilis ang tibok ng puso ko. Nae-excite ako. Naku, baka magselos si peanutbutter?

Hindi talaga ako titigil hangga't di sya napapasaakin...Sige na nga magpapapayat na ako baka sakaling maging akin sya kapag pumayat ako.

Nikon D60, kelan mo ba ako sasagutin??


hahahahahaha.....kala nyo kung sino na no? tinotopak ako ngayon...

8 comments:

Clarissa said...

cool!!\(^0^)/

payatot said...

akala ko papalitan mo na si peanutbutter, yun pala naman ay kamera

Anney said...

halifarot!

eds said...

hahaha.. muntik tuloy kitang karibalin ng makita ko ang crush mo .. parang, like ko na rin sia hihihi

Confession Nook said...
This comment has been removed by the author.
Confession Nook said...

it happens na pareha tayo ng crush! pero pwedeng mangarap ng sobra sobra at si mr. d90 rin? =P..

Confession Nook said...
This comment has been removed by the author.
Confession Nook said...

sorry..andamign nasend na message..=( bakit ganun...hehehe

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin