Wednesday, April 15, 2009

Wednesday

Sa wakas ay napagupitan ko rin itong buhok ko. D ko na piniktyuran at trim lang naman,parang wala ring nabago. Sobrang dry na nga ng dulo nito at ayaw na kagatin ng suklay kaya bago pa masira yung mga suklay sa bahay ay minabuti ko ng sumaglit sa parlor at magpagupit. Sinamahan ko na rin ng hot oil para naman kahit papaano ay ma-relax ang mga buhok ko.Alam kong stress na stress na rin sila sa araw-araw na pamumuhay.

---------------------♥♥♥

Nagawa na kanina yung Buco-Lychee Sherbet ko. Ubos na nga at kaunti lang naman yun.Paano naman sobrang init sa tanghali na para kang nasa impyerno kaya minsan ang sarap-sarap manginain ng kung anu-anong malalamig.

Bigger picture and recipe at The Peach Kitchen.



--------------------♥♥♥

Tried to change Ykaie's pacifier sa ortho. Baka naman kasi maging Angge (no offense sa mga Angge ang pangalan) ang anak ko. Nakaka-usli kasi ng ngipin yung normal pacifiers kaya lang ayaw nya talaga yung bagong pacifier nya. Siguro dapat unti-unti na lang talagang tanggalin yung pagpapacifier nya.

mai guzz,sayang ang ibinili ng bagong patupat!!

--------------------♥♥♥

Dapat ay magme-meet kami ng mga friends ko tomorrow kasi kadadating lang nila from their work abroad kaya lang medyo busy yung iba kaya next week na lang daw. Haaaay, nakakalungkot dumadagdag pa sa stress ko. Isa pa naka-mindset na ako na mag-mall tomorrow...

Currently needing: a foot spa
I'll be lucky if I can have one tomorrow

2 comments:

eds said...

hehe igisgis mo na lang sa semnto yang talampakan mo free pa ang foot spa mo.. hehehe

payatot said...

ayun at nagpagupit pala si mommy peach, e di maaliwalas ka na ngayon sa hair mo? sobra kase init ano?

naku isa ata ako sa tinamaan sa angge..hehehehe, sungki ba naman!

panay gastos naiisip mo ngayon mommy peach, tapos ng buhok foot spa naman dami talaga pera...

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin