Saturday, April 25, 2009

naninikip na ang mga damit ko....

ang pantalon....
ang short...
ang sleeves ng shirts...
pati na ang mga de-garter kong jogging pants...

wahehe...kain kasi ng kain.Ang hirap maging food blogger.

Asus! at ginawa ko pa raw dahilan ang blog(s) ko. Sa totoo lang matakaw talaga ako.Lalo na kapag kasama ko si sis (who calls herself Anney) na nuknukan din sa katakawan. Alam nyo, inspired na ako magpapayat ang problema ay medyo maghahanda ako sa katapusan dahil first birthday nitong computer shop.Syempre balak ko naman pakainin yung mga customers ko at natural na mega-eat na naman ang lola nyo.Si sis, may-I-request pa nung sherbet na nabibili sa Malabon. So siguro sa May 1 na lang ako magsisimula. Paano kaya yun? Baka mawalan ako ng post? hahahahaha...

Basta, pramis magpapayat na ako. The diet will start on May 1,2009. Suportahan nyo ko huh? hahaha. Para akong nangangampanya para sa 2010 elections..

--------------------------♥♥♥



At eto pa, may bago akong peborit na tsokoleyt.........bagong discover ko lang.Kombinasyon sya ng coffee at chocolate at korteng coffee beans sya! Haaay paano ko ba naman sisimulan ang diet ko nito?

6 comments:

Clarissa said...

makikisama na rin sa pagda-diet mo--lumalabas na kasing bilbil ko eh lol!

chubskulit said...

Naku sumama ka sakin magjogging every saturday hehehe..ako nga di ako matakaw pero dami bilbil hahaha..

Happy Weekend!

Anney said...

takaw! takaw! takaw! ahahahaah!

payatot said...

mommy peach, eto palang si tita anney ay nunknukan din ng katakawan ano? kaya pala chubby sya at ikaw na rin.waaaaa...joke lang ha...sige papayat ka para mas healthy di ba?

elenita said...

tama nga nman si kuya payatot.. tingin ko makakatulong sau ang lagi mong pagdalaw sa kanyang blog. hehe remind you of your diet kasi nga sia eh payatot hehehe...

teka ganito gawin mo paskil ka ng mga picture mo na hate mo sa kuarto mo. para maisip mo at maremind ka na kelangan seryoso sa diet hehe..

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin