Sunday, November 29, 2009

Feeling ko malapit na ang Birthday ko

Well, ilang araw na lang kasi at siguradong may-I- add na naman ng one thousand year ang aking age. Siguro feeling nyo listahan ito ng aking wish pero hindi naman kayo nagkakamali, talagang WISHLIST ko ito..hahahahaha. Okay lang kesehoda matupad naman sya o hinde, mailabas ko lang ang aking saloobin. Actually, may natanggap na nga akong gift. Advanced birthday gift daw according to my beautiful sisteringking.

Isang katerbang mga basu-basuhan dahil mahilig daw ako sa kape at syempre lalagyanan din ng mga kung anik-anik na niluluto ko para dun sa food blog ko. Hay, ansarap kaya makatanggap ng regalo...kaya naman kung may regalo kayo sa akin, wag na wag kayong mag-atubiling ipadala ito sa bahay namin. Pwede cash or in kind, I also accept gift cheque, relief goods, card, text message, hug o kahit na ano na lang na bukal sa puso nyong ibibigay....hahahaha......para akong naghihingi ng donasyon...wehehe. Actually, yung alam ko lang na sinusubaybayan nyo tong blog ko, super touched na ako.. O siya tama na tong mga ka-ek-ekan na ito..

WISHLIST:


Gusto kong ma-experience magpahinga dito, feeling ko masarap magpahinga dito kahit na isang araw lang. Wala lang, maiba lang ang ihip ng hangin sa utak ko. Nakakasawa na kasi itong shop-bahay-mall routine.



Gusto ko bumalik sa Sonya's Garden. Bakit? To tell you honestly, unang-una, kasi di ako masyado nakapag-picture nung magpunta kami dun and I'm sure a lot of things has changed since then.Pangalawa, syempre gusto ko magpahinga.

Baka sabihin nyo naman an sosyal ng pahingahan ko, di naman ako mayaman.Well, feeling ko kailangan ko ito dahil baka mag-short circuit ang buong pagkatao ko sa Stress.Feeling ko lang naman. Echusera! Pero knowing peanutbutter na ubod ng at nuknukan ng KJ [Sobrang dami ng dahilan, lahat na lang ng gusto kong puntahan, ayaw]. Hindi ako makakapunta dito, unless regaluhan ko ang sarili ko[buntung-hininga], na ayoko naman gawin dahil baka himatayin ako at masyado akong ma-surprise.

TO CONTINUE THE WISHLIST: 
......wala ata akong maisip........ bukas na lang...

good night! mwah!

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin