Sunday, May 31, 2009

Kusudama Origami

 
My good friend Rence is into Kusudama Origami nowadays. It's really amazing how she can do this for fun. I don't think I have the time, patience nor talent to do this.

"Kusudama is a decorative ball, which is originally used on festive occasions. It is now popular as ornaments and mobiles. Kusudama origami is composed of a variety of units joined together. It is different from ordinary unit origami, because it uses string or glue to put it together."

 


an entry for.  Have a great week!

Saturday, May 30, 2009

Swine Flu After Effect

Nakuha ko ito sa e-mail. Ito daw ang nangyayari sa mga taong nagka- Swine Flu.

 
Ahahahahahahaha

I'm dead tired...

...and I soooo need a cup of coffee. Kung kelan naman wala si yk-i-lik-yk (si ykaie yan) tsaka naman ako parang binugbog ng sampung machong bakla sa sobrang pagod. Puyat din kasi ako kagabi at gising si ykaie ng 4:30am.

At dahil gising si ykaie kaninang madaling araw,gising din ang lola nyo. Nag-ABC book pa kami at kinuwentuhan ko pa siya ng animal stories para matulog ulit. Tapos wake-up and go na naman ako kaninang 6am para gawin ang araw-araw kong gawain na maglinis ng shop.

Humahabol yata ang mga bata at pasukan na sa lunes. Ang dame, as in ANG DAMEng makukulit sa shop ngayon.Susko, maaga akong tatanda kapag ganito. Mai guzz,I need to make bawi sa tulog...

--------------------♥♥♥

Gusto ko magluto kaya lang wala naman akong ingredients tsaka wala naman akong idea kung ano ang gusto ko lutuin. Basta, gusto ko lang magluto.


Syanga pala,umuulan ngayon..tag-ulan na ba?

Friday, May 29, 2009

Dance Contest

May dance contest dito sa amin kagabi, ang ingay tuloy. Dance contest na sila-sila lang ang nakakaalam. Ni wala man lang warning,announcement o kung anumang eklavu....... Nagulat na lang ako at biglang may tumubong stage dito sa basketball court na malapit sa amin.Buti na lang mega antok si peanutbutter kaya borlogs kung borlogs ang drama nya.

Pero in fairness, dinumog naman sya ng mga tao kahit na nga ba yung ibang contestants eh kahapon lang din mismo nagpa-register.

 Ang first contestant ay ang Gabi ng Lagim, este, Kagat ng Dilim pala. D' Original huh? Kagat ng Dilim D' Original.Yan ang pangalan ng grupo nila at horror ang get up.Click nyo ang image para lumaki,ang gara.

Nakigitgit ako para maka-piktyur ng medyo malapit-lapit. Hanep sa costume ano?

Nakupo, ang ineeeet sa pwesto ko. Tuloy sila lang ang napiktyuran ko. Well sila naman ang nanalo eh..

Lahat ng tao dito sa amin puyat....syempre ako hinde kase antok n antok na ako. Ni hindi ko na nga namalayan nung pumasok si peanutbutter ng 3am.

Quekiam (Kikiam)

This is the real Quekiam. Bought at Dolor's in Malabon. I would always ask for this from my mom back when I was a child. We still have a meat stall at the local wet market then and we were also selling this type of Quekiam. All I needed was her approval so I could pick one.

"Que-Kiam or more popularly known as kikiam is a chinese dish that is adopted into Filipino cusisine. It's ground meat and veggies wrapped in tawpe or bean curd wrapper."

an entry for .


Have a great weekend!

Wednesday, May 27, 2009

LP: Alam mo ba?

Alam mo ba ang mga websites kung saan mapapanood ang mga Hayden Kho Scandals? Ang Hayden Kho-Katrina Halili Scandal, Hayden Kho-Maricar Reyes Scandal at Hayden Kho- Brazilian Model Scandal? Pwes, hindi yan ang topic ko..hahahaha (biro lang.alam ko pero secret lang)

Makwento ko lang.Alam mo ba na natuloy naman kami magpa-massage ni peanutbutter nung linggo.Nakatulog na kasi si ykaie pag-uwi namin so nagkaroon kami ng opportunity para makaalis.

Dahil gusto ko magpa-foot spa, nagpunta kami sa Inner Senses dyan sa kanto ng Navotas. Dito kasi ako nagpapa-foot spa. Dumating kami ng mga 7pm at ang sabi namin sa receptionist ay magpapa-foot spa kami at magpapa-body massage. Ang sabi ng receptionist ay isa lang daw ang kayang i-accomodate na service sa amin dahil may naka-reserve daw ng 8:30pm. Tinanong ni peanutbutter♥ bakit daw isa lang eh, 8:30pm pa naman yung naka-reserve. Sabi ng receptionist "basta di po pwede".Nakailang paikot-ikot na tanong pa at puro yun lang ang isinasagot sa amin. Hindi yata na- train ang hitad na ito o hindi abot ng kanyang kaalaman ang pag-eexplain kung bakit di pwede.Nag-init tuloy ang ulo ni peanutbutter at umalis kami.

Sayang at nakunan ko pa naman ng bonggang- bongga ang place.  Di na kami babalik dyan kahit kailan dahil na-turn off na kami!

Buti na lang at may bagong Spa sa may Francis. First time namin sya i-try at dahil nga siguro sa bago lang ito ay medyo mura ang mga treatment dito.

Full Body Massage (1 hr) - P250
Foot Spa - P150

Maliit at simple lang ang lugar. Iisa pa nga lang ang chair nila for foot spa. Pero okay naman ang naging service sa amin.


 Hay, nakakaawa yung nag-foot spa sa akin.Paano ba naman ang huling foot spa ko ay nung December pa. Ga-pader na yata ang kalyo ko sa paa. Mukhang baguhan pa naman sya at pagod na dahil gabi na. Sige kudkod sya sa paa ko.Tapos na nga i-foot spa si peanutbuter ay isang paa pa lang ang nagagawa sa akin.Josme!! Nakakahiya.

Di ko nakuha yung exact address pero jan ito sa may commercial complex sa may Francis...

Ito ang aking lahok para sa. Magandang Huwebes!

Tuesday, May 26, 2009

peanutbutter♥...

...it's been two years of being married to you and everyday you give me a reason to thank God for bringing you into my life.


... because your smile makes me smile.
... because you eat whatever I cook or make
... because you sing well..... and you sing to me
... because you try everything to cheer me up on my grumpiest day which is almost every month.
... because you take care of Ykaie
... because you bring home pasalubong for me and Ykaie
... because you go to the mall with me eventhough I know that you hate it.
... because I can trust you to do things you say you would do.
... because I'm never overweight to you (ows?! hahaha)
... because you're great with directions.
... because you give good great kisses
... because you give a good massage
...  because you pretend you're not yet sleepy so we can sleep at the same time (kahit na di ka pa natutulog since last night)
... because you listen to me. (kahit minsan may delay yung reply)
... because you sneak up on me when I take a bath....and I scream.
... because you value my opinion.
... because you let me sleep on your days off
... because you are always there.
... because you spend time with me.....and Ykaie
... because you go to work every single day in a very ungodly hour for us
... because you love dogs.
... because you really help out at the shop..... doing manly things
... because we can take a lot of heat.
... because when you said  you'll take care of me,you really did
... because when you said you'll never leave me, you didn't
....because you love Ykaie.
... because you're you and you love me.

I'm not stopping here because we have a long way to go. We still have a lot to go through and like what I said two years ago , I know I would always wanna share life's little and BIG adventures with you. There's a lot of good and a lot of bad waiting for us but the most important thing is that we go through them together.

Happy Anniversary. I love you .

My niece, Dia

My sister who calls herself Anney prepared some juice with little umbrellas in them one lazy summer afternoon and my niece had some fun modelling the juice for sis...hahaha

an entry for

Monday, May 25, 2009

Häagen-Dazs Cafe

I promised peanutbutter I'd treat him at Häagen-Dazs yesterday kaya naman pagdating na pagdating namin sa SM Mall of Asia ay pumunta agad kami dun.
Si Ykaie, inip na inip na sa ice cream. Kumakain na sya ng imaginary ice cream. Ang bagal kasi ng service ng Häagen-Daz, di naman masyado karamihan ang tao. Kaya ang ginawa ni daddy, namasyal muna sila sa may fountain sa baba.

 Pag akyat, tinataguan pa ako nung dalawa.Hmp!

my heart melts when I see daddy moments like these....

Love na love ni Ykaie yung kiddie cart sa MOA...

Waffle Dream (P385)
Belgian waffle served with a scoop of Macadamia Nut and Dulce de Leche ice cream, maple syrup and whipped cream.
Their ice creams really gives the best flavors! The waffle is kinda crispy, yun nga lang ang kinain ni Ykaie to think that she loves ice creams.


Häagen-Dazs Cafe
2nd flr. SM Mall Of Asia


Related Post: Häagen-Dazs Cafe

Wonder Ykaie

When Ykaie celebrated her 9th month, sis and I bought a wonder woman costume. Cute kasi..

an entry for.

We went out

We were able to go to the SM Mall of Asia yesterday to have an advance celebration of our second anniversary.Dapat ay pupunta kami sa The Spa for a massage kaya lang walang magbabantay kay Ykaie so kasama na lang sya sa aming celebration,hahaha

Buti na lang talaga at gustong-gusto na ni Ykaie sumakay sa mga kiddie cart at hindi na namin sya buhat-buhat.Pero maaga rin kami umuwi,paano naman si peanutbutter, katulad ng karamihan sa mga lalaki ay hindi talaga yan mahilig maglilibot sa mga mall maliban na lang kung may bibilhin.

Friday, May 22, 2009

Iniisip ko lang...

♫ I have to buy another banig place mat.Where's mine? Ayun,hiningi ni nanay at ipinantapal sa butas nyang banig na nakapatong sa kama nya. Ang weird ng nanay ko no? Natutulog sa banig pero yung banig nasa ibabaw ng kama. Mas presko daw kasi yun kesa sa bedsheet.

♫ Sobrang antok na antok ako araw-araw. Paano nga'y opener na ako, closer pa! Minsan lang ako maka-idlip sa hapon.Akala yata ng mga players ko dito sa shop ay sadyang mapungay lang ang aking mga mata. Kung alam lang nila kulang na lang ay lagyan ko ng tukod yung mga mata ko para bumukas.

♫ Magpakabit kaya ako ng dextrose na kape ang laman? Tingin nyo? Pwede no?

Aaaaddiiikk....

Apple Cheesecake Doughnut

This was KK's Special for Mother's Day and was launched this month.Nung una ko tong makita,sobrang natakam ako.Gusto ko talaga tikman, so when we went to watch BFF nung Tuesday I bought a piece. Para syang donut-apple pie hybrid...hahaha

An entry for .

Thursday, May 21, 2009

I've got to try this!

My gas!! May strawberry flavor na ang White Hat! Kailangan mai-try na ito as soon as possible!

8 Things

I got tagged by my sister who calls herself Anney and by this lass from cavite named Vic. Thanks,Thanks!

8 Things I'm looking Forward To:

Our second wedding anniversary celebration.
Ykaie's 2nd Birthday
Having my crush
A massage and a foot spa  (kelan naman to?)
pagpayat ko..hehe
Food Trip with Anney Gandanghari
Going to 168 and buying a lava lamp for the shop
Cooking/making something over the weekend

8 Things I Did Yesterday:

Opened and closed the shop
Ate some chocolates
Watched some of Hayden Kho's Scandal (wawa naman the girls)
Played with Ykaie
May chinismis ako sa nanay ko
Took a 2-hour nap
Drank 2 cups of coffee
Laughed at Sharon and Ai-Ai on BFF

8 Things I Wish I Could Do:

Have a microvacation at Nurture Spa in Tagaytay (ang mahal,huh?)
Win the lottery
Sing well (sintunado kasi ako)
Swim (di ako marunong lumangoy)
Masingil lahat ng may utang sa akin at kay sis
Travel out of the country with my family
Have all the time in the world

8 TV Shows I Watch:

CSI Miami
CSI Las Vegas
CSI New York
Wowowee (Ykaie loves this)
Dora the Explorer (also Ykaie's fave)
The Wonderpets
The Magic Roundabout
The Fairly Oddparents

8 People I Tag:

Eds
Jas
Rossel
Dj
Paula
Sharque
Payatot
Rizza

Wednesday, May 20, 2009

That feeling...

Nag-aya si ate manood ng movie kaninang hapon. Gusto nya manood ng BFF, I also like to watch that movie because its funny and I kinda need some "laugh" time. Remember, 2 days na akong may topak.


Ayoko naman iwan si Ykaie kay Tita Eva ,kaya isinama namin. Gusto ko sya kasama kapag umaalis kasi iba yung tuwa nya eh. Kasama namin si Dia. Nagpaalam ako kay peanutbutter kasi syempre sya ang magbabantay ng shop eh wala pa syang tulog dahil galing sya sa work.
Pinayagan naman nya ako.

Siguro nakaalis kami dito mga 3:30pm - 4pm na. Feeling ko makakauwi ako ng mga 7:00 or 7:30 para makatulog naman si peanutbutter. Pag dating namin sa Trinoma, bumili na agad kami ng ticket for the movie. 5:35pm pa ang start. Tumambay muna kami sa Max Brenner to wait for the time at mag-merienda na rin.

I laughed because the movie was funny but I was feeling guilty for leaving peanutbutter na magbantay sa shop knowing na hindi pa sya natutulog.He said its ok pero ganun pa rin yung feeling.I even called him by 7pm kasi worried ako.Lalo na nung makauwi pa ako ng 9pm dahil syempre pila pa bago ka makasakay ng taxi.

Bakit kaya ganun? Kapag si Ykaie hindi namin kasama when we are enjoying ourselves, nagui-guilty ako. kapag si peanutbutter di kasama, nagui-guilty rin ako. kapag umaalis naman kaming tatlo for family bonding nagwo-worry naman ako sa shop dahil feeling ko hindi sya mababantayan maigi ng kung sino man ang naiiwan gaya ng pagbabantay ko.

I must be crazy,huh?

Tuesday, May 19, 2009

Rants

Sana nakakabili ng "sleep in a bottle". I've been needing sleep like fish needs water.My energy has been running low.Hay.
----------------♥♥♥

I also need a foot spa, by the way and I don't wanna go alone. Last time I did, it felt like a chore. I hated it.
----------------♥♥♥

Dami ko gagawin ngayon. Kakatamad. Gusto ko tuloy gumala.
---------------♥♥♥

Gusto ko magluto pero ayoko.
-----------------♥♥♥

Makataya nga sa lotto. Nasa P120M na yata ang premyo. 
----------------♥♥♥

Yes, I am PMS-ing.May nagrambol yata na pusa sa ulo ko at ang gulo ng post na ito.

Monday, May 18, 2009

A little girl and a basket

Ykaie, inside our laundry basket.. before taking a bath...hahaha.


An entry for

Sunday, May 17, 2009

Today....

 
I played in the rain...

took pictures with kids from the neighborhood...

 
and did silly dances...

My weekend was great! How's yours?

An entry for
.

Saturday, May 16, 2009

Minatamis na Kamoteng Kahoy at Sago (Sweetened Cassava with Tapioca Pearls)

  
Cutting up on sugar backfired and I craved for this. The power outage yesterday afternoon gave me a chance to cook. It was a good thing for my tastebuds but a bad thing for my business. But it was a two hours well spent,anyway.

Ingredients:
2 pieces large cassava, cut up or sliced any way you want it
3 cups white sugar
5 cups water
4 cups cooked tapioca pearls
¼ cup brown sugar

Directions:
  • Dissolve brown sugar in ½ cup of water . Add Tapioca Pearls and set aside.
  • Steam cut up cassava until tender.
  • Heat a small pot, dissolve the white sugar in water.
  • Simmer until it turns into simple syrup.
  • Add cassava and mix well until cassava is coated with syrup.
  • Serve with the sweetened tapioca pearls

Trivia about Cassava.Go to The Peach Kitchen


an entry for's SLICE it up.

Friday, May 15, 2009

A.N.T.S. Canefusion

May kalaban an ang Cane Twist sa third floor ng main building ng SM.

I don't know if this is slowly becoming a trend pero dumarami na ang nagtitinda ng Sugarcane Juice.Mas mahal ng P5 ang price nila per glass than Cane Twist.

This one,also offers freshly squeezed sugarcane juice pero yung sugarcane na ginagamit nila parang hindi pa hinog para i-juice.They also offer to infuse your juice with flavor for an additional price.

I was wanting to buy the frozen sugarcane pero hindi pa sya frozen. Siguro kasi madaming tao nung Mother's Day kaya ganun,so I ended up buying two of the bottled ones para iuwi. They cost P40 each, very affordable than Mann Hann's which is P160 (na peborit ni mudra). Nagustuhan naman ni mudrabelles tsaka masarap sya in comparison sa Cane Twist. I just don't know kung masarap din yung nasa glass nila.


A.N.T.S. Canefusion
3rd Floor
SM North EDSA

An entry for

Related Post: Sugarcane Juice

Thursday, May 14, 2009

Nang Matapos......

.........ang maliligayang araw ng tatay ko.Ahahaha. Joke lang. Kuha ang larawang ito pagkatapos ng kasal ng aking nanay at tatay. Kaya ko naman naisip na ilahok ito sa tema natin ngayong linggo ay dahil maraming kwento tungkol sa pagka-babaero o pagka-pabling ng aking tatay noong araw.Ang nanay ko naman ay kilala sa pagiging likas na matapang. Syempre ay mahal na mahal ng tatay ko ang nanay ko kaya nya ito pinakasalan at dito na nagtapos ang kanyang pagka-pabling. Sumundot-sundot pa rin minsan sa kalagitnaan ng kanilang pagsasama pero syempre ay nalagot sya kay nanay.Wahehe

Magandang araw ng huwebes sa inyong lahat!

Wednesday, May 13, 2009

Funsize Bunwich

I love coleslaw and I love bacon. Kapag sinisipag ako, bumibili ako ng bacon sa palenke at gumagawa ako ng coleslaw.Then I make my own Bacon,Coleslaw and Tomato Sandwich. Pag tinatamad at biglaang nag-crave bumibili na lang ako sa Dunkin' Donuts.

Natuwa naman ako nung makita ko to. I figured,I can have my fix of BCT and at the same time have two other sandwiches at di ako mabubusog gaano dahil maliliit lang naman sya. And it's cheap! Just P39.95 and you get Tuna salad, Ham & Cheese and BCT.Go! at bumili ang lola nyo.

Ang cute naman nya at maliliit ang size kaya lang dismayado ang lola nyo.Tanong nyo kung baket?

Dahil ang ibinigay sa akin ng krung-krung na service crew ay dalawang ham & cheese at isang tuna salad.Kaya nga lang ako bumili nito ay dahil sa BCT. Tapos ang ibibigay sa akin dalawang HAM & CHEESE?!?! Buti kung dalawang BCT ang binigay nya natuwa pa ako.O kaya'y sinabi man lang sa akin na may choice ako or whatever.Hindi na nga kagandahan ang itsura nitong mga mini-bunwich na ito ay hindi mo pa makuha ang sinasabi sa poster.Sana naglagay man lang sila ng warning na  "choice po ng service crew kung anong flavor ng bunwich ang ibibigay sa inyo". At least handa ka,diba?

Hehehe.ang aga-aga naninigbak ako no? Kasi matagal ko ng nabili 'tong mga 'to ngayon ko lang nai-post kasi humupa na ang init ng ulo ko sa kanila.

Good morning!
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin