Wednesday, May 27, 2009

LP: Alam mo ba?

Alam mo ba ang mga websites kung saan mapapanood ang mga Hayden Kho Scandals? Ang Hayden Kho-Katrina Halili Scandal, Hayden Kho-Maricar Reyes Scandal at Hayden Kho- Brazilian Model Scandal? Pwes, hindi yan ang topic ko..hahahaha (biro lang.alam ko pero secret lang)

Makwento ko lang.Alam mo ba na natuloy naman kami magpa-massage ni peanutbutter nung linggo.Nakatulog na kasi si ykaie pag-uwi namin so nagkaroon kami ng opportunity para makaalis.

Dahil gusto ko magpa-foot spa, nagpunta kami sa Inner Senses dyan sa kanto ng Navotas. Dito kasi ako nagpapa-foot spa. Dumating kami ng mga 7pm at ang sabi namin sa receptionist ay magpapa-foot spa kami at magpapa-body massage. Ang sabi ng receptionist ay isa lang daw ang kayang i-accomodate na service sa amin dahil may naka-reserve daw ng 8:30pm. Tinanong ni peanutbutter♥ bakit daw isa lang eh, 8:30pm pa naman yung naka-reserve. Sabi ng receptionist "basta di po pwede".Nakailang paikot-ikot na tanong pa at puro yun lang ang isinasagot sa amin. Hindi yata na- train ang hitad na ito o hindi abot ng kanyang kaalaman ang pag-eexplain kung bakit di pwede.Nag-init tuloy ang ulo ni peanutbutter at umalis kami.

Sayang at nakunan ko pa naman ng bonggang- bongga ang place.  Di na kami babalik dyan kahit kailan dahil na-turn off na kami!

Buti na lang at may bagong Spa sa may Francis. First time namin sya i-try at dahil nga siguro sa bago lang ito ay medyo mura ang mga treatment dito.

Full Body Massage (1 hr) - P250
Foot Spa - P150

Maliit at simple lang ang lugar. Iisa pa nga lang ang chair nila for foot spa. Pero okay naman ang naging service sa amin.


 Hay, nakakaawa yung nag-foot spa sa akin.Paano ba naman ang huling foot spa ko ay nung December pa. Ga-pader na yata ang kalyo ko sa paa. Mukhang baguhan pa naman sya at pagod na dahil gabi na. Sige kudkod sya sa paa ko.Tapos na nga i-foot spa si peanutbuter ay isang paa pa lang ang nagagawa sa akin.Josme!! Nakakahiya.

Di ko nakuha yung exact address pero jan ito sa may commercial complex sa may Francis...

Ito ang aking lahok para sa. Magandang Huwebes!

12 comments:

an2nette said...

Hi! yan din ang hilig ko ang magpamassage at foot spa, at least jan sa atin affordable ang price, dito sa germany out of the world ang presyo, back massage lang 25 euro na at 40 ang full body, foot spa 25 euro, nakakalula ang presyo, wait na lang ako till pag uwi namin, nice photos

thess said...

Ang sarap naman! Gaya ng sinabi ni Antonette, ang mahal ng treatment na yan dito (Holland) . Bigla kong namiss ang kapatid ko tuloy, sya taga massage ko :)

Happy LP!

Pinky said...

Naku, yan ang bisyo ko tuwing umuuwi sa Pinas - sarap talaga ng pampering sessions ano? ;)

kiwipinoy said...

all i can say is "what a feeling"....sarap!

Linnor said...

aba medyo mas mura nga yan sa dinadayo namin dito sa cebu. 200 ang foot spa at 250 ang body massage. :)

payatot said...

nagkaroon tuloy ng bad image ang unang napuntahan nyo..di sila nanghinayang sa kliyente...ayan tuloy at di na kayo babalik dun...

Marites said...

masahe sa katawan lang ang kaya ng kiliti ko pero pag sa paa na, baka masipa ko na ang gumagawa LOL! Maligayagn LP!

ROSSEL said...

sarap magap-foot spa ano? every time na magpapa-foot spa ako sinasama ko mommy ko. kase gusto ko may kakwentuhan dahil sa tagal ding kuskusin ng paa ko. treat ko na rin kay mommy.

SASSY MOM said...

Hay, ang sarap talaga mag pa foot spa. isa yan sa mga guilty pleasures ko.

HARI NG SABLAY said...

mukhang masarap dun ah.kaso kahit pamasahe lang wala ako,haha may libre po bang merienda dun?lols

silentprincess said...

wow, nakakainggit naman..


Happy LP!

Mirage said...

Dahil nga sa kamahalan eh bumili na lang ako ng sariling foot massager kakulay nung nasa 2nd photo mo hehe.

Feeling reyna na ang paa...happy LP!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin