Sunday, May 10, 2009

Si Mudrabelles

Ang nanay ang may pinakamahirap na trabaho sa balat ng lupa.24 hours a day, 7 days a week, 365 days a year. Matindi pa sa doktor dahil walang day-off at 24 hours on call. Parang endorser ng Vitamins, "bawal magkasakit". Parang OFW na minaltrato- walang sweldo,walang bakasyon,walang leave,bawal umabsent.Walang benepisyo. Walang medical,dental o kahit na ano pa mang insurance.Walang holi-holiday. Di pwedeng mag-reimburse ng expenses.Walang promotion at di pwedeng mag-reklamo. All-around din ang trabaho na ito: Nurse, sekretarya, organizer, planner, taga-kumpuni ng sirang-laruan, mananhi ng sirang damit, taga-tikim ng pagkain, taga-buhat at higit sa lahat, janitor. Kaya dapat dito ga-kalabaw ang lakas mo...at ang trabahong ito ay panghabang-buhay.

Take Note: Wala na ngang sweldo ikaw pa ang magpapa-sweldo. Magbibigay ng baon, pambili ng chichirya, laruan, incentives,tuition fee at iba pa. And when you die? you have to give whatever is left.

The oddest thing about everything is that you actually enjoy them. Kung pwede lang na doblehin mo pa yung mga ibinibigay mo, dodoblehin mo. Masarap kasi yung feeling.

 Happy Mother's Day sa aking nanay!!
Wala akong mahanap na picture na recent pero solo sya, kaya yan na lang yung kasama nya si Ykaie.
 
at Happy Mother's Day din sa aking MIL!!
Ma, wala akong malaki-laking picture, ito na lang..

 Happy Mother's Day sa lahat ng mudrabelles na mapapadaan dito.

5 comments:

payatot said...

happy mother's day mommy peachy, kasama na ang iyong mga parents at in laws...

Bette said...

hapi maders day peach!

Anney said...

Ang ganda ni mudra, mukhang artista!! hapi mudra's day!

eds said...

oo nga parehas sila mukhang artista.. si ykaie mukhang starlet hehehe. joke lang .. happy mommy's day sau ate peach..

Mom of Four said...

Lahat ng mothers natin ay magaganda, kaya tayong mga anaks at apos, magaganda rin, oh ha!!!! Hope you had a great Mother's Day Peachy.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin