Sunday, May 3, 2009

IceBreaker's Scramble


Kung merong isang inumin na pinoy na pinoy ito ay ang Iskrambol. Ang Iskrambol, ice crumble o scramble ay isang isang malamig at matamis na inumin na karaniwan ay kulay pink. Gawa ito sa kinaskas na yelo, vanilla o anumang flavoring at pangkulay.Nilalagyan ito ng chocolate syrup, na tinimpla lang ng tindero at Klim o powdered milk sa ibabaw at minsan pa nga ay may gulaman. Madalas itong makikita sa mga palengke o tapat ng iskwelahan na karaniwan ay nakasakay sa kariton na tulak-tulak ng tindero.

Noong isang araw ay nakita ko na meron na palang booth ng iskrambol sa maliit na mall dito sa amin.Sosyal itong iskrambol na ito at malinis tingnan.At dahil nga sa mahilig ako sa iskrambol bata pa lang ako, syempre may-I-buy ang lola nyo.

 Small Scramble (P7.00)
Cute na cute at hindi dugyot tingnan ang iskrambol na ito. Kulay pink pa rin at may klim sa ibabaw ngunit sa halip na choco syrup ay sugar syrup na pink at violet ang topping. Ang taray ano?

At sa halagang P2 -P4 ay pwede ng magpa-xtra topping kagaya ng rice crispies, marshmallows at syempre Klim. Si ate,bumili ng large na iskrambol with 2 xtra klim..hahaha.Na-miss nya yata ito.



Nag-aabang ako ng iskrambol kalye kahapon pero wala akong nakita.Di bale, tsaka ko na ipapakita kapag may nagdaan dito.

 Ito ang lahok ko para sa na may temang: Shades of Spring and Summer.

Ito ang isa sa mga summer drink ng pinoy...



Ice Breaker Scramble has branches in Victory Mall,Caloocan and Malabon City Square.

15 comments:

raquel said...

yesssss! i remember iskrambol especially those multi-colored flavors. wow...sosyal na talaga. i've never had it with klim. although I have snacked on klim straight from the can! LOL

Cat said...

omg im so jealous! scramble's my FAVORITE :)

anney said...

ang tsalap nyan pag dami klim!!

Lynn said...

Napaka-dainty namana ng scramble. Dati pink lang ang kulay ng scramble.

iska said...

mukhang sosi nga ang scramble na yan. mukhang masarap din :-)

Vic said...

wow! at sosyal na ang scramble ngayon! haha! paborito ko din to nung bata ako.. wait ko lagi si manong para bumili. hehe.. :)

agent112778 said...

ayy oo nga scrmble :D i love that pero wala nang gaanong ganun sa streets

my entry is heremagandang araw ka-lasa-ista :)
Salamat sa pagbisita :)

Anya said...

ang sarap ng scramble *drooling*, i miss my childhood days

ces said...

it's about time they offer this in stores/malls ha:) i had no idea! reminds me of my childhood:)

Pinky said...

Kakatanong ko lang kay Jay kung ano yung kulay pink... scramble pala! Salamat sa impormasyon! Next step: masubukan nga pag uwi ng Pinas - hahaha!

JMom said...

Very informative post nga ito. I didn't know na 'ice crumble' pala ang iskrambol lol!

And very delicious looking iskrambol it is too :)

Jescel said...

this takes me back in time when i was a kid. i loved this so much that my mother had to buy that gadget to crush ice because i'd always want iskrambol.. pero this is the updated look.. seriously, it looks like the topping is ice cream (not a bad idea, huh?)

Unknown said...

Hello Blowing Peachkisses,

Thanks for writing a blog about icebreaker scrambles :-) It gives me strength to strive harder as an entrepreneur. Yes, the Victory Mall branch is my 2nd. To date, I now have 6: Malabon Citisquare, Victory Mall, Ever Gotesco Pasig, Robinsons Place Nova, Fairview Center Mall, LRT2 Katipunan Station. And by next week, my first SM, in SM City Fairview :-)

Its been physically and mentally draining, esp in a start up business like this, sometimes I feel like giving up... but after reading write-ups like this, I feel refreshed and energized. I do really want to thank you!

Again, thanks thanks! TC and God speed!

Always,

Marlon G. Sevilla, Jr
Icebreaker Dessert Shop
Proprietor/Owner

PS: its not KLIM, its a milk imported from Australia that we're using :-)

maricar said...

pwede po bang mag-franchise ng ice breaker dessert shop mo?

♥peachkins♥ said...

@ Maricar: Hi, I don't own Ice Breaker. I just blogged about it. I heard they're not offering it for franchise.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin