Wednesday, May 20, 2009

That feeling...

Nag-aya si ate manood ng movie kaninang hapon. Gusto nya manood ng BFF, I also like to watch that movie because its funny and I kinda need some "laugh" time. Remember, 2 days na akong may topak.


Ayoko naman iwan si Ykaie kay Tita Eva ,kaya isinama namin. Gusto ko sya kasama kapag umaalis kasi iba yung tuwa nya eh. Kasama namin si Dia. Nagpaalam ako kay peanutbutter kasi syempre sya ang magbabantay ng shop eh wala pa syang tulog dahil galing sya sa work.
Pinayagan naman nya ako.

Siguro nakaalis kami dito mga 3:30pm - 4pm na. Feeling ko makakauwi ako ng mga 7:00 or 7:30 para makatulog naman si peanutbutter. Pag dating namin sa Trinoma, bumili na agad kami ng ticket for the movie. 5:35pm pa ang start. Tumambay muna kami sa Max Brenner to wait for the time at mag-merienda na rin.

I laughed because the movie was funny but I was feeling guilty for leaving peanutbutter na magbantay sa shop knowing na hindi pa sya natutulog.He said its ok pero ganun pa rin yung feeling.I even called him by 7pm kasi worried ako.Lalo na nung makauwi pa ako ng 9pm dahil syempre pila pa bago ka makasakay ng taxi.

Bakit kaya ganun? Kapag si Ykaie hindi namin kasama when we are enjoying ourselves, nagui-guilty ako. kapag si peanutbutter di kasama, nagui-guilty rin ako. kapag umaalis naman kaming tatlo for family bonding nagwo-worry naman ako sa shop dahil feeling ko hindi sya mababantayan maigi ng kung sino man ang naiiwan gaya ng pagbabantay ko.

I must be crazy,huh?

2 comments:

Mimi said...

Hi peachkins! Thanks for dropping by on my blog. Ang cute naman ng blog mo. I like your concept and posts. And I feel your a lovely person inside and out. Buti ka pa napanood mo na 'to. Ako sa dvd na lang hehehe... if this is really funny taken from you I'll check this out.

eds said...

HIndi ka crazy noh.. normal lang yan ano ka ba. Ganyan din ako nun me shop kami dati.. imaginin mo dahil lang sa ayaw ko pabantayan sa iba nagbantay ako ng noche buena hehehe. pambihira punuan pa nman. habang nagkakainin at nagpuputukan sa labas ng shop ako eh kandaugaga sa pag-in ng mga players. hu naku! pero alam mo minsan lalo na pag shop ang business minsan kelangan mag-unwind. yan ang nakakaberat jan hehehe.. wala kang freedom kasi iniisip mo lagi un resposibilidad mo at minsan pa un sayang na kikitain mo. aba di kita masisisi, panggatas din ni Ykaie un hehehe

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin