Showing posts with label spa. Show all posts
Showing posts with label spa. Show all posts

Wednesday, May 27, 2009

LP: Alam mo ba?

Alam mo ba ang mga websites kung saan mapapanood ang mga Hayden Kho Scandals? Ang Hayden Kho-Katrina Halili Scandal, Hayden Kho-Maricar Reyes Scandal at Hayden Kho- Brazilian Model Scandal? Pwes, hindi yan ang topic ko..hahahaha (biro lang.alam ko pero secret lang)

Makwento ko lang.Alam mo ba na natuloy naman kami magpa-massage ni peanutbutter nung linggo.Nakatulog na kasi si ykaie pag-uwi namin so nagkaroon kami ng opportunity para makaalis.

Dahil gusto ko magpa-foot spa, nagpunta kami sa Inner Senses dyan sa kanto ng Navotas. Dito kasi ako nagpapa-foot spa. Dumating kami ng mga 7pm at ang sabi namin sa receptionist ay magpapa-foot spa kami at magpapa-body massage. Ang sabi ng receptionist ay isa lang daw ang kayang i-accomodate na service sa amin dahil may naka-reserve daw ng 8:30pm. Tinanong ni peanutbutter♥ bakit daw isa lang eh, 8:30pm pa naman yung naka-reserve. Sabi ng receptionist "basta di po pwede".Nakailang paikot-ikot na tanong pa at puro yun lang ang isinasagot sa amin. Hindi yata na- train ang hitad na ito o hindi abot ng kanyang kaalaman ang pag-eexplain kung bakit di pwede.Nag-init tuloy ang ulo ni peanutbutter at umalis kami.

Sayang at nakunan ko pa naman ng bonggang- bongga ang place.  Di na kami babalik dyan kahit kailan dahil na-turn off na kami!

Buti na lang at may bagong Spa sa may Francis. First time namin sya i-try at dahil nga siguro sa bago lang ito ay medyo mura ang mga treatment dito.

Full Body Massage (1 hr) - P250
Foot Spa - P150

Maliit at simple lang ang lugar. Iisa pa nga lang ang chair nila for foot spa. Pero okay naman ang naging service sa amin.


 Hay, nakakaawa yung nag-foot spa sa akin.Paano ba naman ang huling foot spa ko ay nung December pa. Ga-pader na yata ang kalyo ko sa paa. Mukhang baguhan pa naman sya at pagod na dahil gabi na. Sige kudkod sya sa paa ko.Tapos na nga i-foot spa si peanutbuter ay isang paa pa lang ang nagagawa sa akin.Josme!! Nakakahiya.

Di ko nakuha yung exact address pero jan ito sa may commercial complex sa may Francis...

Ito ang aking lahok para sa. Magandang Huwebes!

Wednesday, October 22, 2008

Excelsior Spa

Noong isang gabi gustung-gusto magpa-massage ni ate pero dahil weekends ay fully booked ito.Ewan kung bakit feel na feel ng kapatid ko na magpa-massage.So nagpasya na lang kami na subukan yung pinipuntahan ng family friend namin.
 
Hayan kahit na gabi na,tawag lang ng taxi at go na !

Medyo affordable naman ang mga massage.We both had the Combination massage.Combination ng swedish at Shiatsu...P400 for 1 hour.Tapos nagpa-wax din ako ng kili-kili,susme! Ang mahal ng wax dito! P400! Doon sa pinagpapa-wax-an ko P150 lang..
 
Hindi masyado maganda ang ambience dito,hindi kagaya sa The Spa na sosyal.Medyo may kalumaan na rin kasi ang mga facilities.Pero yung massage nila,masarap..
 
Yan ang lobby ng Excelsior..
Excelsior Spa is located at :
Ground Level, 17 Atherton Place
Tomas Morato cor. Roces Ave.
Quezon City
NOTE:
Tuwang-tuwa ako ng makita ko na may malapit na frozen yogurt shop sa labas ng Spa,Alam nyo naman ako,fro-yo junkie to the max! Pati nga si ate nahawa na..at pati na rin si Ykaie.

Thursday, August 7, 2008

The Ykaie Virus

Nagkasakit si Ykaie the other day.May sipon,konting ubo at nung mga 3am na,nagkasinat na.Hay,sobrang puyat at pagod kami ni Alvin.
Fast forward to today,magaling na sya pero lahat ng tao sa bahay may sakit na.Si nanay,masama na rin ang pakiramdam.Si Alvin at si ate Pinky may sore throat at sipon.Ako,may konti ding sore throat..kaya lang di naman ako pwede magkasakit.Kase sino mag-aalaga kay Ykaie kapag maysakit din ako??
Ano pa ba?? kaninang umaga parang ang dami-dami kong isusulat ngayon wala na lahat ng kwento ko.Kasabay yatang nawala yung mga kwento ko kasabay nung stress.Nagpa-massage kasi kami ni ate.Dyan lang sa Suay Thai sa may City Hall.I got the Herbal Ball Massage.Wala akong pictures.nakalimutan kong magdala ng Camera.Nilibre lang ako ni ate.Ok na rin yung massage,pwede na rin.Pero syempre mas masarap yung massage sa The Spa.Kung sa affordable spas naman mas preferred ko pa rin yung Inner Senses sa Malabon.
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin