Showing posts with label snack. Show all posts
Showing posts with label snack. Show all posts

Saturday, January 15, 2011

Midnight Snack

O baka akala nyo commercial ito na may leading brand, brand X at brand Y.

Naku, hinde.....midnight snack namin ito ni ate minsan isang gabi noong December at kasalukuyang kaming nag-iimbak ng kalorya sa aming mga sexy bodies..hahahaha. Sabi ni ate...tikman daw namin kung ano ang pinakamasarap dito sa tatlong ito....Hindi ko naman alam kung bakit nya nasabi yon... baka gusto nya maging stock holder ng isa sa mga brand na ito kunsakaling magsutuhan nya.
Sus, hindi ko alam kung paano nagkalasug-lasog yung nasa dulo kasi si ate ang nag-prito galore nyan.

THE VERDICT: Well, pinaka-like namin ang  Purefoods Chinese Style Luncheon Meat....

Bakit ka nyo? ayoko na -iexplain kung bakit. Gabi na. manonood pa ako ng NCIS LA.

Saturday, May 16, 2009

Minatamis na Kamoteng Kahoy at Sago (Sweetened Cassava with Tapioca Pearls)

  
Cutting up on sugar backfired and I craved for this. The power outage yesterday afternoon gave me a chance to cook. It was a good thing for my tastebuds but a bad thing for my business. But it was a two hours well spent,anyway.

Ingredients:
2 pieces large cassava, cut up or sliced any way you want it
3 cups white sugar
5 cups water
4 cups cooked tapioca pearls
¼ cup brown sugar

Directions:
  • Dissolve brown sugar in ½ cup of water . Add Tapioca Pearls and set aside.
  • Steam cut up cassava until tender.
  • Heat a small pot, dissolve the white sugar in water.
  • Simmer until it turns into simple syrup.
  • Add cassava and mix well until cassava is coated with syrup.
  • Serve with the sweetened tapioca pearls

Trivia about Cassava.Go to The Peach Kitchen


an entry for's SLICE it up.

Tuesday, May 5, 2009

Pansamantala ko munang pinuputol ang South Beach Diet ko..

para sa isang patalastas! Wahahahaha. Kainis naman kasi  itong si Tanja! Dumating ang makabagbag-damdaming mga snacks from Germany kahapon. Maaayy Gaaasss!! So dami and so yummy!


Pero kung dati ay may tax papasok ang package namin. What a surprise! Ngayon wala paano naman,kakilala pala ng kakilala namin itong nagre-release ng mga package sa post office. Talaga naman. Gumana na naman ang Its-who-you-know system.

Heniweys, eto na syang lahat. Yung mga iba may nabibili dito.,yung iba naman wala.

Ansarap nung Ovomaltine Cookies.Grabe! Kainis at walang nabibili nun dito.Ovaltinees lang ang meron dito sa atin.

marami syang pinadala na yogurt flavor na chocolate and gummies. Yung mga yogurt flavor na chocolate Ferrero ang tatak.

Chocolate covered yogurt: Strawberry and Raspberry

berry flavored gummies dipped in pleasure......

 Nutella pero parang Yan-Yan. O diba? Sushal! Binaon yan ni peanutbutter last night.

Si Ykaie, di malaman kung anong pipiliin sa dami ng kaharap nya... Ayun o, Ykaie,masarap yun..

Ang saya talaga makipag swap ng snacks. Hay, Sabog ako sa Sugar...hehehehe.

Silipin ang ibang snacks sa The Peach Kitchen.


Related Post: Snack Swap
                    The SNACKS has arrived! Weeeee...
                    Snacks
                    Snack Swap #4
                    Update on snack swap
                    From Philippines to Germany

Friday, April 17, 2009

Soy Yummy

Sino ba ang hindi mahilig sa taho? Eh lahat yata ng bata bumibili sa magtataho tuwing umaga kapag nagdadaan sila. Bukod kasi sa masarap ay masustansya ito pero yung ibang magulang ayaw nila na pinapakain ng street taho yung mga anak nila.Kesyo madumi daw, ganito, ganyan.. Well, totoo naman...yung ibang mga gawaan ng tao marurumi pero hindi lahat.

If you really want clean taho and soymilk,pwede ka bumili sa mall. May choice ka pa na mag-order ng chocolate flavor na soymilk at chilled taho.

My sister who calls herself Anney and I love taho so much! Kaya lang di sya umiinom ng soymilk,ayaw nya daw ng lasa.


This is Chilled taho for P25. Eaten while waiting for our orders from Greenwich to arrive.

Saturday, February 28, 2009

Four Season Sandwich

Sa tuwing mago-grocery kami ay nadadanan namin ang makukulay na tinapay na ito.Ang kapatid ko ay sobrang hilig sa mga pagkaing makukulay.Mahilig rin ako pero mas sya.

Kung makailang ulit naming nadaan ito ay ganun din karaming beses nya itinuro sa akin ang mga tinapay na ito. Para bang tinatawag sya at sinasabing.."halika,bilhin mo ako.."

 
Ang gara ng lasa.Para itong yung pineapple bread na tinitinda sa panaderya na P2 ang isa.Yung parang halos puro gawgaw ang palaman na nilagyan ng kaunting flavor.Yun nga lang at iba-iba ang flavor nya at nasa maganda syang lalagyan pero kung meron akong P39 pesos ay bibili na lang ako ng Burger Mcdo, Hot fudge Sundae o takoyaki balls..may sukli pa.

Saturday, August 9, 2008

I am an addict

Waaaahhh..sobrang nakaka-addict ang ZEB-ZEB!!!Ilang araw ko na itong kinukukot.kailangan ko ng tumigil.bata pa nga ako kinukukot ko na ito eh!

And just to remind you what Zeb-zeb looks like...

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin