Saturday, January 31, 2009

will update tomorrow.Just got back from Tagaytay from cousin-in-law's wedding...too tired.May gas!

Granola with yogurt (or is it the other way around?)


Mixing two of my favorite things-- Granola and yogurt for breakfast!

Sinerve ko yan kay peanutbutter.Nagustuhan nya naman.. I think nagustuhan nya kasi yung presentation..

Here's the recipe for the Granola.

Thursday, January 29, 2009

LP: Lila (Violet)

Para sa tema ngayong araw na ito na Lila o Violet naisip ko na ilahok ang litrato ng aking anak noong binyag nya.
Ang buong pangalan ng aking anak na si Ykaie ay Purple Hinaea Skye, akma naman diba? dahil ang Purple ay isang shade din naman ng violet at sinuotan ko din sya ng violet na gown...hehe..

At ang mga iba ko pang lahok:

Napukaw ang aking pansin ng tindahang ito sa loob ng mall habang nag-iisip ako ng lahok ngayong huwebes.

 
At ang halaman ng nanay ko sa harapan ng aming bahay,marami na rin palang bulaklak.
Magandang araw ng huwebes sa inyong lahat!

Wednesday, January 28, 2009

Tuts my Barreh


hahahaha..natawa naman ako dito.

Korean boy singing Touch my Body by Mariah Carey

Salamat kay Xibonita at napanood ko ito..Share ko din sa inyo..

Pugad Dencio's

Super favorite ko ang Pugad Baboy and now sila na ang model ng Dencio's.

 
Crispy Kangkong
One of my favorite appetizer to munch on..the dip was garlic-ky...perfect!  
Talong Salada
not really fond of this kaya lang mahilig si ate kaya may order kaming ganito. 
 
Sizzling Bangus Belly
masarap sya kaya lang di ko masyado type with gravy,mas masarap sya kung toyo and calamansi 
Sizzling Sisig
masarap ang sisig ng Dencio's..ito ang isa sa kanilang  "pambato"

Dencio's is located at the gound floor of Trinoma.

Tuesday, January 27, 2009

nakakapagod din maghanap ng damit namin ni Ykaie para sa kasal ng cousin ni peanutbutter sa saturday. Yawn  feeling ko pagod na pagod ako at ang sakit ng likod ko.Ang kulit na kasi nya.egads!

nakalimutan ko nga palang piktyuran ang sarili ko sa dressing room kaninang nagsusukat ako ng damit.Ayoko na mag-dress. mahirap.

Wala tuloy ako sa mood. ang gulo ng post ko no??

Strawberries!

 
  
Since I don't have a home office, my entry would be this. I bought some fruits yesterday because I'm planning to load up on fruits and veggies for a few days hoping to flush out some of the things I ate during the holiday season.Grin 
Happy Ruby Tuesday!

I want...

malapit na kasi ang summer... feel ko yata mag-gagawa ng mga shakes, sherbet at iba pang chuva!
nagfi-feeling din ako na maglululuto ako..yun eh kung hindi naman ako busy-busyhan...

Monday, January 26, 2009

Kung Hei Fat Choi

Happy New Year!

Kaninang nagpunta kami sa grocery ay may dragon dance at fireworks pero hindi kami gaano nakapanood at si Ykaie ay natakot na sa mga fireworks.

Bumili kasi ako ng mga fruits.I'm planning to load up on fruits and veggies for a few days.Mai-flush out man lang ang fat intakes noong holiday season..haha.
REMINDER: HUWAG UM-ATTEND NG CHRISTMAS PARTY NILA PEANUTBUTTER & FRIENDS THIS YEAR OR NEXT YEAR KUNG PANG FAMILY MAN ITO.

Sunday, January 25, 2009

Eyecandy: Kuhol


Kuhol is Yema Balls dipped or wrapped in caramelized sugar that has assumed the shape of snails. This is one of my favorite pinoy candies.
Before, I can only buy this when we travel to Laguna but now there's a small store at the mall where you can always buy this for P102.00 per pack.

Hay, sino naman ang makakatanggi sa masarap na yemang ito?
Happy Sunday everyone!

Saturday, January 24, 2009

bedtime stories

peanutbutter is really cut out to be a daddy.He tells good stories....good father stories. Kapag pinapatulog namin si Ykaie maririnig mo na....

" sleep na si Ykaie...mamaya pag gising mo magba-bike tayo...tutulak ka ni daddy...tutulak ka ni daddy ng mabilis na mabilis..kapit Ykaie,kapit...1-2-3-yehey!!..tapos pupunta tayo dun sa malayo, dun sa maraming dogs..tapos pupuntahan natin si EJ...EJ,nandito na si Ykaie, tapos pupuntahan natin si mommy sa shop..babay mommy,babay...tapos pupunta tayo sa bahay ni lola...pupuntahan natin yung mga fish...tapos pupunta tayo sa chicken...kruk kruuk...tapos..."


Natutuwa ako kapag pinapanood ko sila, kasi makikita mo na si Ykaie na gustung-gusto nya yung kwento.Nakatingin sya sa daddy nya at nakakatulog sya sa ganoong kwento..

I can feel my heart melting into marshmallows...

Friday, January 23, 2009

May naglalakad dito na mama tuwing umaga na naglalako nung ice candy na buco salad. Bitbit nya yung maliit na styropor at doon nakalagay yung ice candy.Kapag dumaan sya sa harap mo ay tiyak na malalanghap mo ang amoy ng kadiliman. Hindi naman sa nagseselan ako, Para ba kasing sampung araw syang di naligo,Yak Being sick  Ma-imagine ko pa lang na sya yung gumagawa ng ice candy na tinitinda nya gusto ko na masuka.Sa palagay kaya nya ay may bibili ng tinitinda nya kapag ganoon ang amoy ng kili-kili nya?

kadiri talaga.

The French Baker

Tinry namin kumain sa bagong branch nila sa The Annex. Ang sosyal kasi ng bagong look ng store kaya lang walang high chair kaya hirap na hirap ako. Ang kulit pa naman na ni Ykaie at gusto eh lakad ng lakad.

 
We ordered Soup on a bread bowl at kapag um-order kami nito, si ate ay umoorder ng 2 extra butter.
Burger Steak for ate
Pork Chops for me
Yung pork chops regular lang.Di pa maganda ang pagkaka-cut.

The French Baker is located at the ground floor of SM, The Annex

Thursday, January 22, 2009

alimasag

I feel crabby  Free Emoticons For Your Blog and bloated. Ang hirap talaga kapag dumarating ang mens.Hindi mo alam kung anong nararamdaman mo.May mga kine-crave ka na kainin pero hindi mo naman alam kung ano iyon at sa paghahangad mo na ma-satisfy ang craving mo ay kakain ka ng iba't ibang klase ng pagkain hanggang sa makain mo na ang lahat ng pwede mong kainin sa loob ng bahay mo pero hindi mo pa rin masa-satisfy ang punyemas na craving na to.

I feel so bloated and sick!Masakit ang ulo ko.

haaaaaaaaaaaayyyyyyy buhay!

buntung-hininga

 Wala akong entry para sa LP ngayon na may temang Kahel (orange),papaano'y ang lahok ko sana ay ang nausong Kutsintang may yema. Inaabangan ko ang magkukutsinta na magdaan kaninang umaga,hindi naman sya nagdaan. Lagot sa kin yang mamang yan bukas..
------------

Ang sweet ng asawa ko binigyan ako ng patay na lamok sa loob ng taxi.May lumilipad kasing lamok sa loob ng taxi na sinakyan namin kaninang tanghali. Pinilit nyang hulihin at patayin,pagkatapos ay iniabot nya sa akin.

peanutbutter: O
ako: ang sweeeeet (sarcastic)
peanutbutter: kainin mo..

hehe..kainin ko daw ang patay na lamok...mwahahahaha..
ang sweet namen mag-usap no? minsan ganyan talaga kame,may mga araw na para kameng may topak parehong mag-asawa..nagkakaintindihan naman kame..hehehe

Wednesday, January 21, 2009

Inihaw na mais

Nag-ihaw kami ng mais kahapon para merienda.Yung kasambahay namin na si Tere sabi'y masarap daw ang inihaw na saging na saba na nilagyan ng margarine at asukal.Ipinag-ihaw tuloy na rin namin sya at tinikman. Kakaiba pero masarap din pala ang inihaw na saba.

Tuesday, January 20, 2009

Mall time won't be complete without The White Hat

I soooo love frozen yogurt! And our mall time won't be complete without it.So when peanutbutter and I went to the mall yesterday to buy something...... 
peanutbutter, while waiting for our froyo
 
Before we even start exploring the mall,I got a large froyo with Strawberry and  homemade cheesecake topping...
My entry for today....

 
And before we go home I had another one, The TOP HAT which is a part of their 3+1 topping combo with Cranberries, Kiwi, homemade Granola and  a drizzle of caramel sauce!

The White Hat is located at the 2nd level of SM,The Annex

Related Post:
The White Hat

Monday, January 19, 2009

masarap ipalaman sa pandesal sa umaga ang....

 
...ang kesong MALANTOD!
ahahahaha...nag-enjoy ako sa almusal ko..

La.Pi.S: hot drinks


 
 
Today, it's a cup of Peppermint Tea to finish my meal of pandesal, cheese and apple. This can soothe an upset stomach and aids digestion too..

Another entry for

Sunday, January 18, 2009

Day 3 of the 3 Day Diet

BREAKFAST:

Black Coffee or tea with artificial sweetener or water
5 saltine crackers
1 oz (around 30g) cheddar cheese
1 medium apple





LUNCH:

Black Coffee or tea with artificial sweetener or water
1 slice toast
1 hard-boiled egg






DINNER:

Black Coffee or tea with artificial sweetener or water
1 cup tuna
1 cup carrots
1 cup cauliflower
1 cup melon
1/2 cup vanilla ice cream


Ang unti ng lunch ano? tapos di ko pa na-picturan yung dinner...

Saturday, January 17, 2009

Day 2 of the 3 Day Diet

BREAKFAST:

Black coffee or Tea with artificial sweetener or water
1 egg (any style)
1 slice toast
1 banana


LUNCH:

Black coffee or Tea with artificial sweetener or water
1 cup cottage cheese or tuna
5 saltine crackers

* toast can be substituted for saltine crackers


DINNER:

Black coffee or Tea with artificial sweetener or water
2 beef franks or hotdogs
1/2 cup carrots
1 cup brocolli or cabbage
1 banana
1/2 cup vanilla ice cream


Di ako nakabili ng cottage cheese

Friday, January 16, 2009

Introducing..

Cyvrine Noelle!
the latest additon to our family. Born last January 10,2009.
Ang cute kamukha ni Kuya Noel!Ano kaya magiging nickname nya?

Hmmnnn..Noee would be nice no?

Thursday, January 15, 2009

and yet another attempt on the 3 Day Diet....

Hay eto naman ako at sinusubukan ulit mag 3 Day Diet....

DAY 1

BREAKFAST:

Black Coffee or Tea with artificial sweetener or water
1/2 Grapefruit or orange
1 slice of toast with
1 tbsp peanutbutter





LUNCH:

Black Coffee or Tea with artificial sweetener or water
1/2 cup of Tuna
1 slice of toast






DINNER:

Black Coffee or Tea with artificial sweetener or water
3oz any lean meat
1 cup green beans
1 cup carrots
1 medium apple
1 cup vanilla ice cream


Ang dami ng dinner..nakakabusog.

Vicks

 
Para sa tema ngayon na Asul ang aking lahok ay ang:

Sipunin kasi kaming mag-asawa kaya lagi kaming mayroon nito kaya lang minsan kahit wala ng sipon at hindi na barado ang ilong ay gusto pa rin namin amuyin (haha...adik!) Laughter 

Teka, maglalagay lang ako sa ilong.Magandang Huwebes!

Wednesday, January 14, 2009

Pink Citrus is going away....sob!

 
Apparently,this promo is their "pulling out" promo. Magpu-pull out na sila sa January 16 from SM The Block. Baka raw mag-transfer sila sa MOA or sa SM Annex but they are not sure yet.
Sayang, ito pa naman ang pinakamalapit na froyo sa akin.Di bale, I've heard na magkakaroon ng The White Hat sa Annex.
Ayan tuloy kumain ako ng dalawang cups!! hahaha... one topped with Strawberry and one with Rice Crispies.

sarap!

Related Post:

Tuesday, January 13, 2009

Shopping!!

I've been wanting to do some "repairs"  but I had to wait until the holiday buzz is over because it would be really hard to do something while people are hustling and bustling around the house. Well,I just found out today that I needed some basic tools in  order to do what I needed to do.Just some stuffs like hammers and painting stuffs but the problem is I really don't have any time to search the stores all over town for these things (and I really don't know anything about tools.)

Good thing I found Shopwiki.com. It totally gives a shopper everything she needs! Well, just like the hammers, I didn't know there are so many types of hammers! Plus, Shopwiki gives you lots of stores where the product that you're looking for is available.

This makes shopping easier and more fun.Hmmmmnn...I gotta check out some headbands and  some sweaters for my daughter.

Monday, January 12, 2009

Gayness...hahahaha

We dared my 21 year-old cousin to pose like a gay... and he did. (No offense to anyone)

eeeewwwww...
Hope you think this is hilarious! Have a great week ahead!
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin