Thursday, January 8, 2009

Pulang- pula

 
 Siguradong-sigurado ako na makikita mo ito sa lahat ng panaderya sa Pilipinas.......ang (drumroll) tsarann!!.................PAN DE REGLA!
Tinapay na may palamang .................................. tinapay rin? hahaha...
Kinulayan lang at nilagyan ng konting asukal.
P2.00 ang isa.
Masarap na kasabay ng iyong kape sa umaga....

 Magandang Huwebes mga ka-litratista! Kuha na ng isa!

26 comments:

docemdy said...

Bigla akong nagutom! Magandang Hwebes!

Anonymous said...

Alam mo ba na ang kulay pulang iyan ay mga lumang tinapay na kinulayan at tinamisan? In short eh, ni-recycle na lumang tinapay... posibleng may amag na din kaya tinamisan para di malasahan. Pero ok lang dahil ika nga nila ay good bacteria naman ang amag tsaka masarap pa din diba? Haha!

Magandang Huwebes!

Anonymous said...

matagal ko nang hindi naririnig ang tinapay na pan de regla. hindi ko alam na lumang tinapay din ang palaman! salamat at may natutunan ako! :)

hapi huwebes!

Mga Pula sa Worksho ni Santa
Pulang Nakapagpapainit

paulalaflower♥ said...

ngayon ko lang nalamang may ganyang tinapay pala. hahaha. hello kaLP!

eto ang aking lahok: http://paulalaflower.blogspot.com/2009/01/lp-01082009-pula.html

arvin said...

Yun pala tawag dun? parang ang sagwa:P kainin ko na lang:D hehe

Anonymous said...

ayos ito! miss ko na rin ang tinapay na ito:)

Anonymous said...

gusto kong takpan ng 'modess' *lol*

cute yung little octopus (^0^)

happy LP!

Anonymous said...

Yun pala ang tawag jan? hahaha. Binibili ko yan sa bakery dati 50sentimos isa! San galing yun pulang tako? me kamukha kasi! :D
hihi Happy LP!

Anonymous said...

Naku may tawag kami sa tinapay na yan pero nakalimutan ko na. Oo, bumibili din kami nyan noon nakaka-miss nga!

Anonymous said...

Ang tagal ko nang hindi nakakakita nito - salamat sa pagbabahagi! At ang cute naman ng pulang octopus sa tabi - hehehe

Anonymous said...

Yan pala ang tawag sa tinapay na yan, parang ang sagwa, ahihihi... Basta laman tiyan, sige lang :)

Hindi kasi ako bumibili niyan dahil kadalasan Spanish bread o ensaymada bukod sa pandesal.

Anonymous said...

hehe, masarap yan... happy huwebes... :)

Unknown said...

hahaha di ako alam pan de regla pala tawag dito! kakaaliw!

Anonymous said...

yun pala tawag dyan. tawag namin dyan Kalihim :D meron ding pruple nyan dito.

Ang mahal na ng tinapay no? umabot pa nga yan sa PHP3 each.

Maligayang LP!

Anonymous said...

Paborito kong meryenda yan nung bata pa ako! Nakakasenti naman.

Maligayang LP!

Joe Narvaez said...

Uy gusto ko yan! Matagal na ako di nakakakain n'yan.

Anonymous said...

susme naman ang pangalan... pan de regla... translation in english? menstrual bread? LOL!

Anonymous said...

oo nga, regla nga ang tawag dyan. sa iba naman ay kalihim ang tawag. masarap yan!!

Pula

Anonymous said...

kumakain kami neto pero di ko alam na panderegla pala ang tawag! galeng no, pinoy na pinoy!

Anonymous said...

Hindi nga??? Pan de Regla? Ayos yun ha, parang nakakahiya namang bumili non.

Ang aking mapulang lahok para sa LP ay naka-post dito. Sana makadaan ka.

Carnation said...

ngayon ko lang nalaman na yan pala tawag nyan? oo nga may pink din ... ito po ang aking lahok http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp40-pula-red.html

agent112778 said...

dati ang tawag ko dito is pan de pula tapos nung sinabing yan ang tawag pan de pula parin ang tawg ko kasi babae ang mga kapatid ko :)

eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Mommy Liz said...

Pan de Regla? wow..oks ah..di bale, makiktia ko rin yan sa June pag uwi namin Pinas..matikman nga, baka lasang matamis din..Hehehe

Anonymous said...

Nice!!! Yan talaga ang pangalan nyan? Sa totoo lang hindi pa ako nakakita nito. Pero mahilig ako sa pan de sal nung nasa pilipinas ako. Hehe.

Kakatuwa naman!

Ito po ang aking lahok.

Happy LP!!

-- Biang

SimplyMuah said...

No joke, pan de regla talaga tawag dyan?

pan de coco at pan de sal lang alam ko. :p

Beth said...

really, yan pala ang tawag diyan?!mas gusto ko kasi bilhin spanish bread kesa sa pan de modess, err pan de regla.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin