Monday, January 12, 2009

Nasaan ang chicken dito sa Orange Chicken?!?!

Orange Chicken daw ito sabi ng Goldilocks pero ni hindi mo makita o malasahan ang chicken.Doon sa poster nila ang ganda-ganda ng presentation tapos kapag nakarating sa'yo.Super mega-dry to the max tapos parang mga breading lang na binilot at pinirito at nilagyan ng sauce!Free Emoticons For Your Blog O kung may chicken man ito siguro microscopic!! My Gas!

Dapat ang pangalang na lang nito ay Orange Breadings, mas makatotohanan pa.Sus!

Hayan ang itsura ng loob nito halos di mo maaninag yung chicken. Dapat nagpa-contest na lang sila kasabay ng pag-launch nitong bagong produkto nila.."Find the Chicken in the Orange Chicken". O diba? tapos kung sino ang makakakita ng chicken may premyo....weeeeeeeeee.

"I found it! may nakita akong chicken!!"
"You're the winner! heto na ang iyong premyo......isang microscope!!"

kweng-weng-weng...

Hay, for P70 hindi talaga ito worth it...dagdagan mo lang ng P5 may chickenjoy ka na...

"sayang ang pera ko binili ng lobo kung pagkain sana nabusog pa ako"

Sayang, gusto ko pa naman ng Orange Chicken......
ayan naghanap na lang ako sa internet ng picture ng tunay na Orange Chicken.......mmmmmnn Free Emoticons For Your Blog

2 comments:

Marites said...

interesting..and i shall keep that in mind coz I do go to Goldilocks to eat from time to time.

Beth said...

me orange chicken pala ang goldilocks, kala ko ung KFC lang? bka kasi orange ung color niya? pero looking at the pics, e hindi naman orange. anyway, thanks for sharing this, at least alam ko na...ganda pa ng description mo! :)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin