Monday, September 13, 2010

Pagninilay-nilay

Nainggit ako kay peanutbutter at kumakain sya ng fried chicken habang nagcha-chat kami kaninang hapon. Hayan, at imbes na after six ako ay nagpalibre ako kay ate ng hotshots at coleslaw. Sa totoo lang ay tatlong araw ko ng kinakain ito tuwing hapon. Para akong naglilihi. Last day na to. Pramis. Titigilan ko na ang kabaliwan ko sa hotshots at coleslaw.

Ano naman kaya ang pagti-trip-an ko kainin bukas??
---♥♥♥---
Nanood ako ng MacGyver Season 1 Episode 1..

Kahapon kasi ay napanood ko ang MacGruber. Spoof ito ng MacGyver. Kinailangan kong mag-download  ng MacGyver at manood. Feeling ko ay nabalahura sya sa spoof na yon. Di kinaya ng brain ko ang scene kung saan bilang diversion sa mga kaaway ay nag- bold sya at naglagay ng celery sa pwet at nag-hop na parang rabbit.

Nakaka- trauma. Kinailangan ng cleansing.

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin