Thursday, August 13, 2009

Ang Bess ni mudrax

Kahapon ay tinawagan ang nanay ko ng kanyang long lost bestfriend noong elementary. Nagulat sya pero sa isang banda ay natuwa. Hindi kasi friendly ang nanay ko at mabibilang lang sa mga daliri sa isang kamay ang friendships nya. Isa na doon ang kapitbahay namin na masarap magluto ng Laing.

Heniweys, bonggang-bongga ang kaibigan nya na ito dahil isa na daw itong architect at nakatira sa isang condo sa Eastwood. O diba? sushal?! Niyaya nya si mudra na lumabas at ipapasyal daw nya. Ang nanay ko parang ayaw pa. They have some catching up to do.Juice koh! May-I-volunteer ako na samahan sya sa kanilang "date".
Sabi ko nga sa kanya, at this day and age, naglilitawan ang mga old friends nya kailangan nya na makisalamuha.hahahahaha.

Tuloy, eto, 2 days ng nagre-reminisce si mudra at may-I-kwento ng kanyang elementary days at elementary friends. My gas! Sigurado bukas ulit ganito ang ikukuwento nito, ang hirap mag-imagine in black & white....hahahahaha

1 comment:

Digital Signature in Delhi said...

eMudhra Limited is a certified body, licensed by the Government of India. eMudhra operates in accordance with the guidelines set out in IT legislation. By issuing more than a million certificates, eMudhra provides digital credentials for all types of customer income tax, MCA (ROC), tenders, foreign trade, banking, rail, and many other needs.
Apply eMudhra DSC in Delhi

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin