Wednesday, December 17, 2008

Happy Birthday Kuya Noel..

I only have one Kuya and maybe I don't say this too often but I'm really really grateful that he is my Kuya. Sobrang bait po ng taong ito. I'm not saying this because he is indeed my Kuya but because he really is super bait.
He is currently working as a Surgeon at San Lorenzo Ruiz Women's Hospital in Malabon.Hindi ko man nasasabi sa'yo Kuya but I'm really proud of you  and of what you have accomplished.

Some Random facts About my Kuya:

1. Noong bata pa sya,mahilig syang maglaro ng mga bote na may lamang tubig.Sabi nya sa nanay namin,paglaki nya ay pangarap nyang maging magsusuka as in vinegar vendor! Noong araw kasi yung nagtitinda ng suka ay naglalako at tinatakal-takal yung suka sa bote.Feeling nya siguro masarap yon.

2.Tandang-tanda ko yung unang araw ng mens ko.Grade four ako. Alam nyo kung bakit?? May date kase kami ni Kuya noon. Ipinanood nya ako ng sine. Never Ending Story ang palabas.Tayuan pa sa sinehan.

3. Huwag na huwag kayong lalapit na may dalang pagkain na gusto ni Kuya. Mainit man o malamig isasawsaw nya ang daliri nya sa anumang pagkain o inumin nyo para ibigay nyo sa kanya at kumuha kayo ng bago..ahahaha.Laughter

4. Napalo na ako nyan minsan noong bata pa ako.Masakit din.

5. Mayroon syang isang step-son at dalawang anak na babae...at may coming soon pang baby girl next year.Can't wait....

6. Hindi kumakain si Kuya ng isda dahil tinatamad syang mag-alis ng tinik. "Meat Person" daw sya,sabi nya.

7. Ayaw nya rin ng lasa ng Sinigang sa Bayabas. Amoy kili-kili raw. Hmmmnnn...ganun siguro ang amoy ng kili-kili nya???

8. Mahilig sya maglaro ng computer. Kahit yata maghapon syang nakaharap sa computer ay okay lang. Kain lang ang pahinga.

9. Dati'y pangarap nya maging military at pumasok sa PMA (o say nyo?). Hindi sya pinayagan ng nanay namin.Binola-bola sya na mag-doktor na lang at kapag nakatapos na sya ng pagdodoktor ay saka na lang sya pumasok sa military para maging doktor doon.Bongga diba?? O ayan, hindi na sya nakapag-military..di na yata nya type.Nakakapagod kase..hehe.

10.Masarap kasalo kumain ito.Mapa-buffet,eat-all-you-can,family reunion,rainy morning..name it.Sulit na sulit.

11.Noong manganak ako tinanong nya ako kung tatanggalin na daw ba ang appendix ko.para na rin di na ako ma-appendicitis at wala din namang gamit iyon. Ni hindi ako sumagot ng oo o hinde. Pagkatapos ko manganak iniabot nya na lang sa akin ang isang maliit na bote...laman ang Appendix ko.Ang saya!

Ano pa ba?? May nakalimutan pa ba ako? Basta,always remember na I'm always here for you...


(Sorry,wala akong ibang makuhang picture..ito yung picture kasama si ykaie)

HAPPY BIRTHDAY KUYA NOEL!!  
WISHING YOU MORE BIRTHDAYS TO COME!!
I love you..... Ipapa-massage kita..yun ang birthday gift ko sayo..
Kiss Mwah!

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin