Kasabay ng pagdating ng kapaskuhan ang mga Christmas Party sa opisina at eskwelahan.Si
peanutbutter♥ nga eh ang dami-daming Christmas Party. Nanjan yung sa maliit nilang grupo sa Opisina, company christmas party,Pati nila yung guild nila sa online game, may Christmas party rin.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhLrMrDO0zm_aJwcYqUG1xqCCLbS3LNmW2AODpnfdVQ0s3MdthnOGCrQXqj-hLJ5BgizxUUpN4op5uEbL4IN93k01abX3gz4P4NNomYxiRQR_L3uHG4GnzSpPurHu4PsLeksQ4_pgW1dvg/s200/clo_Good+Morning+Towel.jpg)
Syempre,kasama na sa mga Christmas party na yan ang monito monita at exchange gifts.Namimiss ko na rin yan dahil wala naman akong ka-Christmas party dito sa shop.Yung mga something long,something hard,something sweet at kung ano-ano pang ka-something-an.
Ngayon ay nauso na ang mga "wishlist" tuwing exchange gift season.Paano nga eh kung ano-ano na lang ang natatanggap natin mula sa mga ka-monito natin na hindi naman natin gusto.Ikaw,pag-iisipan mo mabuti kung ano ang ibibigay mo tapos ang matatanggap mo kundi pigurin ay good morning towel?! may gas naman!
Ngayon,wala akong ka-exchange gift....waaaaaah..makipag-exchange gift kaya ako sa sarili ko??
No comments:
Post a Comment