Thursday, August 7, 2008

The Ykaie Virus

Nagkasakit si Ykaie the other day.May sipon,konting ubo at nung mga 3am na,nagkasinat na.Hay,sobrang puyat at pagod kami ni Alvin.
Fast forward to today,magaling na sya pero lahat ng tao sa bahay may sakit na.Si nanay,masama na rin ang pakiramdam.Si Alvin at si ate Pinky may sore throat at sipon.Ako,may konti ding sore throat..kaya lang di naman ako pwede magkasakit.Kase sino mag-aalaga kay Ykaie kapag maysakit din ako??
Ano pa ba?? kaninang umaga parang ang dami-dami kong isusulat ngayon wala na lahat ng kwento ko.Kasabay yatang nawala yung mga kwento ko kasabay nung stress.Nagpa-massage kasi kami ni ate.Dyan lang sa Suay Thai sa may City Hall.I got the Herbal Ball Massage.Wala akong pictures.nakalimutan kong magdala ng Camera.Nilibre lang ako ni ate.Ok na rin yung massage,pwede na rin.Pero syempre mas masarap yung massage sa The Spa.Kung sa affordable spas naman mas preferred ko pa rin yung Inner Senses sa Malabon.

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin