Friday, August 1, 2008

SUUUNOG!!!

Mga update sa buhay ko today:

Nagkasunog dito sa kapitbahay kahapon.Maliit lang naman.Nagsimula daw sa electric fan na nag-overheat.But since the fire happened at around 4pm,naapula kaagad ito with everybody's--meaning neighbors-- help.As usual,huli na ng dumating ang mga bumbero.Wala ng apoy.As in wala na! Zero.Zilch.Nada.Patay na ang sunog.

This morning.....masaya kaming umalis na La Familia para pumunta sa hometown ni sweetheart --Malabon! Birthday kasi ng aking father-in-law.Dumaan pa nga kami sa Judy Ann's para bumili ng Crisfy Fata Isfeysyal.
At ang highlight nito nga ay ang pagkabasa ng suot kong pantalon (yes,pati ng undies ko) habang nakasakay sa tricycle dahil baha.

Sinilip namin ni sweetheart yung computer shop ni Barok.Nahiya ako nung makita ko ang listahan nila.Computerized ito.Pina-xerox.Naka-folder.Very organized.At take note,mga lalake ang bantay nya sa shop nya.Samantalang ako,ang listahan ko dito sa shop....NOTEBOOK!Notebook na magulo.Anyways,I have MY excuses.BUSY ako.


 At ang pinakamasayang nangyari ngatong araw na ito....(drumroll)
Naholdap ako ng bumbero para bumili ng fire extinguisher.Dahil nga sa sunog kahapon,siguro ay may-i-sight ng mga dakilang firefighters ang shop ko(kaching-kaching!)Kailangan daw ng fire extinguisher.Of course,I understand..it's for safety purposes.Pumayag pa nga sila sir ng two gives kasi sabi ko I don't have a fucking budget.(Syempre di ko sinabi yung fucking).

















At tuwing makikita ko ang fire extinguisher na nagkakahalaga ng P4,500 ay sumasama ang loob ko.Ayann!! Ayan ang pictures! Di ba sumasama ang loob nyo?!

I hate bumberos (firefighters).I hate bumberos now more than ever!

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin