Monday, July 25, 2011

Ako na ang Iskwater at Maitim ang Kaluluwa!

May kaaway ako kanina. Kulang ang brain, kasing-liit yata ng brain ng higad. So for further enlightenment, here are some points to ponder.

# 1. "Hindi ikaw ang nagpapa-aral sa anak ko" ang sabi mo, wala akong pakialam. "Ikaw ba ang kausap ng teacher?"
Hello? Walang nagpapa-aral sa anak mo kasi hindi sya nag-aaral. Hindi mo sya in-enroll remember? Naniniwala ka na ba sa sarili mong kasinungalingan?

May pakialam ako, kasi pamangkin ko sya at ayoko syang mapasama, Isa pa nagbigay sayo ng pang-tuition at pangbili ng libro.Ang pangbili ng libro ay galing sa nanay ko. Saan mo yon dinala? Ibinigay mo sa kapatid mo? Bakit? Nagpalaglag ba sya ulit?

At hindi ako kausap ng teacher, dahil kausap ko ang Elementary Registrar kaninang umaga na nag-confirm na hindi nga sya naka-enroll.

#2. Sayang daw ang ipina-aral sa akin ng magulang ko dahil parang "iskwater" ang bunganga ko.Well, ang lumalabas sa bunganga ko ay reflection ng sinumang kausap ko. Kung mala-"iskwater" ang bunganga ko, at ikaw ang kausap ko, malamang "iskwater" ka.

# 3. Maitim ang kaluluwa ko. NEWSFLASH Honey, hindi naman talaga ako mabait. Ako ang pinaka-salbahe sa aming magkakapatid.  Hindi pa ba nakarating sayo ang balitang yan? Kuya ko ang pinakamabait...... kaya mo nga sya nauuto.

#4 Pasang-awa ako nung college. If you can prove it, di sige pasang-awa ako. O eh ano naman ngayon? This is real life and your grade in college doesn't count kahit na anong grade mo at kung may grade ka.
May grade ka ba? Wala. Kasi hindi ka naman naka-graduate.

#5 Naaawa ka sa akin, kasi hindi tayo magka-level. Honey, hindi talaga tayo magka-level. Kahit kanino mo pa itanong...LOL! Baka sila ang maawa sa akin kapag nalaman nilang pumapatol ako sa basura.

#6 According to you,Uod ako....oo Uod ako.. kaya ako nakipag-usap sayo... nakikita ko kasi ang mga kapwa ko uod na  nagkukulumpunan sa nabubulok mong........
a. Budhi?
b. Keps?
c. Utak?
d. All of the above

Ano-ano pa nga ba ang nabubulok sayo?

#7 "Kawawa naman ang bb.......magsumbong ka sa nanay mo"  So ano ang bb?
Duck? Blackberry? Ako ba yon? Nagje-jeje-speak ka ba?

FYI: Hindi ako nagsusumbong, lalo na't duwakang at BOBO lang na katulad mo ang isusumbong ko. Hindi ako kagaya mo na nagsusumbong sa kuya ko para patigilin ako. Subukan mo magpakatino at itigil ang kakatihan mo baka sakaling maawa ako sayo...

#8 Gusto naming sirain ang pamilya nyo. Ano kami tanga? Gugustuhin namin mangyari yon for fun? Ikaw ang matagal na sumira ng pamilya mo. Tama ba na turuan mo ang anak mo na magsinungaling sa lola nya at tatay nya? Tama ba na ipakita mo sa kanila na may katabi ka sa kama na hindi naman nila ama?

Gawain ba yon ng isang ina na gusto maging buo ang pamilya nya?
Gawain ba yon ng isang mabuting ina?

--------♥♥♥---------

sa aking mahal na kapatid,

Baka sa susunod na manganak ako tanggalan mo na ako ng atay. Wag naman. I'm just making a point.
Ako ang shock absorber ni nanay. I'd rather let it out in a non-violent form than a morbid and violent one.

------♥♥♥-----

Yun lang.

Bow.

I, thank you .

Bow ulit.

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin