Monday, November 17, 2008

May Christmas Lights na kami.....Yehey!!!

Parang lumunok ng bato at sumigaw ng Darna! ang nanay ko kahapon at mag-isa nyang ikinabit ang Christmas lights sa kabahayan.

Nakasanayan na kasi nya na sa tuwing magpapasko ay sya ang nagkakabit ng  mga yan. Nakalimutan nya yata na ngayong taon ay 68 years old na sya at mag-isa nya pa ring ginawa.

Hemingweys, bonggang-bongga naman ang kinalabasan kaya parang sulit na rin ang pagod nya lalo na kapag nakikita nyang tuwang-tuwa ang anak ko habang pinagmamasdan ang mga kumukutitap na ilaw.
<< Ito ang itsura kapag walang flash

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin