Saturday, February 28, 2009

Four Season Sandwich

Sa tuwing mago-grocery kami ay nadadanan namin ang makukulay na tinapay na ito.Ang kapatid ko ay sobrang hilig sa mga pagkaing makukulay.Mahilig rin ako pero mas sya.

Kung makailang ulit naming nadaan ito ay ganun din karaming beses nya itinuro sa akin ang mga tinapay na ito. Para bang tinatawag sya at sinasabing.."halika,bilhin mo ako.."

 
Ang gara ng lasa.Para itong yung pineapple bread na tinitinda sa panaderya na P2 ang isa.Yung parang halos puro gawgaw ang palaman na nilagyan ng kaunting flavor.Yun nga lang at iba-iba ang flavor nya at nasa maganda syang lalagyan pero kung meron akong P39 pesos ay bibili na lang ako ng Burger Mcdo, Hot fudge Sundae o takoyaki balls..may sukli pa.

Friday, February 27, 2009

The Old Spaghetti House

Bago manood ng movie kahapon ay dito namin binusog ni peanutbutter ang aming mga sarili.

American Baked Spareribs (P170) 
Gusto ko kasi ito ipatikim sa kanya.

 
Golden-Crusted Chicken, Ham & Cheese Crepe (P170)
Sus, hindi naman ito ang in-expect ko. Akala ko parang baked chicken sya na may kasamang ham & cheese crepe. Hindi pala, iisa lang pala yung chicken, ham,cheese at crepe.Sama-sama na. Rolled into one.Ayoko pa naman ng ganito..

Thai Seafood Roll (P125)
Appetizer namin.Ayokong-ayoko ng Wansuy pero nagustuhan ko ito.maybe because it has a very very mild Wansuy flavor.Yung glass of beer sa side? kay peanutbutter yan.Nag-coffee kasi sya earlier in the day and he needs something to calm his nerves..

The Old Spaghetti House is located at the 3rd level of SM,The Annex

Thursday, February 26, 2009

Movie date with peanutbutter♥...

Nag -date kami ni peanutbutter today...Well, sort of..

Our printer needs reseting kasi..pina-reset namin sa Compuserve (5th floor,The Annex).Sabi nung nagre-repair balikan daw namin ng 2pm.Eh di nanood na lang kami movie while waiting.Dahil siguro napanood namin yung AVery Special Love,gusto nya panoorin yung sequel.

Tawa naman ako ng tawa kasi nakakatawa yung movie. I had such a great time with peanutbutter. Nakapag-bonding ulit kami (kahit na bangag-bangag sya dahil wala pang tulog) kasi si Ykaie naiwan sa Lola Eva nya.Hug
 -----
Ang mahal pala ng pa-reset ng printer.P1,100! Nabutas ang bulsa ko ngayong araw na ito...Scream

Mga taxi drivers na pasaway...

P@#$%&*!! na mga taxi yan.Nakakalurkey na. Pangalawang taxi na itong tumatanggi na isakay kami.Hindi ba't isinasaad naman sa batas na bawal tumanggi ang mga taxi sa pasahero nila? Minsan nga kapag nagpapadagdag sila ng bayad ay dinadagdagan na namin kahit bawal,pero yung tanggihan na isakay ka?? Sus, kaya nga nakalagay sa mga kaha ng taxi na ihahatid ka nila to "any point in Luzon". Baket? Sa Visayas ba ako nagpapahatid?!?

MGE Taxi pa naman...tsk tsk tsk....May reputasyon pa naman ang taxi nila.Ang plate number ng unang taxi na tumanggi (na sinabi ko sa sarili kong ire-report ko pero di ko naman nagawa) ay TXB 628. Yung pangalawa ay kanina lang...
Ang kapal pa ng face ng mamang driver na ito.Nasa unahan ng pila dyan sa may SM North pero namimili ng isasakay. Matanda pa naman na sya at malapit ng kunin ng kapwa nya tapos ganoon pa ang ugali.Dapat dito sa mga ito ayMallet .
Hanggang sa magka-Blackeye .
---
an excerpt...
Senator Manny Villar, Chairman of the Senate Committee on Public Order, says the common practice of taxi drivers who choose or refuse passengers should be stopped, since it unduly inconveniences commuters.

Senate Bill 782 upholds the promotion of the general welfare of the Filipinos, particularly equal access to public services and utilities such as transportation. It provides for penalties to taxi drivers who violate the law.
According to Villar, the concerned authorities such as the Metro Manila Development Authority (MMDA), the Land Transportation Office (LTO) and the Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) have also been issuing warnings to taxi drivers and operators in being choosy in rendering services, but to no avail.
-----
Para sa mga taxi na patuloy na namimili ng pasahero....
FingerFingerFinger
(please excuse me,they needed that)

Wednesday, February 25, 2009

Samurai's Takoyaki Balls

Up to now, Ang Takoyaki Balls ng Samurai pa rin ang pinakamasarap na takoyaki balls na natitikman ko.
(P29 lang, murang- mura)

"Takoyaki Balls are very popular Japanese dumplings made of batter and diced  baby octopus. It is usually served with a special sauce, fish shavings and mayonnaise."


I was just a kid when I first tasted this stuff.Si ate ang nagpatikim sa akin. My Gas!Nalansahan ako at di ko nagustuhan pero nung second time kong tikman.Hala!Parang droga,hinanap-hanap ko na...

Ganun din ang effect kay peanutbutter. Nagalit pa nung una kong patikman sa kanya at ang lansa daw pero ngayon gustong-gusto nya na. Pati si Ykaie, sya yata ang youngest customer ng Samurai.Baby girl

Tapos bigla na lang nauso itong Takoyaki balls.Parang mga kabute na nagsulputan ang mga stalls nila sa mga maliliit na malls.Hmmmnn.. Isa-isa ko nga silang titikman para masabi na "you're nothing but a second-rate,trying-hard, copycat!!!!" (parang Cherie Gil lang )

Kung gusto nyo subukan ang Samurai, ang pwesto po nila ay maliit lang at malapit sa may grocery ng SM North Edsa (doon sa mga naka-umpok na stalls ng kainan).Meron din sa may Robinson's Supermarket sa may Tutuban.

Tuesday, February 24, 2009

We'll certainly miss this lass from Cebu...

Nagpaalam sa akin kahapon ang aming kasambahay na si Tere. Hanggang March 20 na lang daw sya at uuwi na sya sa Cebu.Biniro ko pa nga na baka mag-aasawa na sya kaya sya uuwi, hindi raw.Siguradong mahihirapan na naman ako kapag nawala si Tere at ako na ulit ang maglilinis ng shop tuwing umaga at mawawalan na rin ako ng time na maka-idlip sa tanghali...haggardness na naman ang lola nyo...

Looking at the bright side,nakakapayat yun...hahaha

But kidding aside, sometimes our household helps are taken for granted because they are always there to do the things around the house but I'm not guilty of that.Sobrang na-appreciate ko si Tere kasi masipag sya.She may not be at par to my standard of doing things but she do things well and follow my instructions accordingly.Kaya nga, kahit papano spoiled din ito sa akin sa chicrya na paborito nya.At kapag nagpapaalam sa akin na may pupuntahan,pinapayagan ko.And I know she can be trusted, because I sometimes leave the computer shop up to her,not the whole day of course, but for a lengthy amount of time.

Naku, ang nanay ko? ayaw nila ng trabaho ng mga katulong.Palibhasa mga sanay din magtrabaho o kumilos around the house kaya matataas ang standards pero syempre hindi mo naman pwede hanapin yung trabaho mo doon sa katulong dahil magkaibang tao kayo.Ayaw niya ng ite-train pa. Sa ngayon pa naman, most ng namamasukan eh, ang babata...kailangan talaga i-train.

Sa susunod na buwan kapag sinuwerte ako'y may bago na namang susungitan ang nanay ko...

Monday, February 23, 2009

This is LOVE...

This picture was taken when we went to Trinoma a few months ago...

Wala lang...nagpapaka-sweet.....hekhek Giggle 

Happy Monday!

Ykaie and the oranges


My aunties bought a box of Ponkan (mandarin oranges)...
 
I couldn't resist taking my daughter,Ykaie's picture with them..Look at her, she wouldn't even let me take off her Winnie The Pooh bag..

 She tried to take a bite..These oranges are sweet and for P260 for a box of 80 (pcs)?!They are a steal!

As if she was trying to say,"mommy,are these oranges for me??"

I had an orange-y weekend! How was yours?




I also made Chicken Macaroni Salad over the weekend..Head over to The Peach Kitchen for the recipe...

Sunday, February 22, 2009

Eat's a WRAP!: Shawarma

Shawarma is a Middle -Eastern, Arabic style sandwich which is usually composed of shaved lamb, goat, chicken, turkey, beef or a mixture of meats. It is made up into a sandwich using pita bread or lafa and adding cucumber, tomato, onion,cheese, dressing and at times, french fries.

I love love love love -- LOOOVE Shawarma! I'll certainly buy one if I see a store selling it, just to have a taste. Different stores have different recipes.Some beef are marinated so they taste sweet -- and I also love them that way!

The Shawarma above was brought from Boy Ching Woo, one of the oldest chinese restaurant here in Caloocan City famous for their specialty, Pancit Shanghai.

Hope you guys have a great Sunday!

Friday, February 20, 2009

Currently addicted to.....

waaaa..wala akong magawa.If I have extra time I'm watching CSI. Kahit na ngayong tina-type ko tong post na ito,nanonood pa rin ako...

Fish & Co., Seafood in a Pan

Last monday was our post-Valentine lunch since we weren't able to go out on the day itself.So after, buying two video cards for our PC and having changed the fans to two more we headed out to Trinoma.




I love the table setting and the restaurant is also kid friendly. They have  kid's menu which is shaped like a fish and they also have toys to keep toddlers busy in their high chair.

 
Three dipping sauces for the Fish and Chips: Tartar Sauce, minced garlic and (I think) Jalapeño pepers

The Best Fish and Chips in Town!
Fried, topped with lemon butter and served with chips. Hay,ang sarap..kaya lang pati yung chips medyo maanghang ng konti, di masyado nakakain si Ykaie...favorite pa naman nya ang fries. Ykaie still has colds kaya medyo toyo nung kumakain kami.

 
Grilled Porkchop Basilico
Succulent 2 pieces of grilled porkchops, topped with tomato caper relish. This is like the Jack Daniel's Porkchops of  TGIF with a twist.peanutbutter and I were so full after.I also ordered their bottomless Strawberry Lemonade.... it's worth every peso!

Fish & Co. is located at the Trinoma Park
4th level, Trinoma mall

tanggalin ko na lang kaya tong ilong ko....

AAAACHOOO!! Ilang araw na akong may sipon.As usual,kapag nagkasakit si Ykaie lahat kami sa bahay nahahawa.Ang hirap-hirap ng may sipon.Ngongo.Barado Ilong. Walang pang-amoy.Hindi makahinga.

Buti na nga lang at hindi mahirap painumin ng gamot si Ykaie.Kailangan lang may audience na magye-yehey at papalakpak sa tuwing iinom sya ng gamot.She's seeing this as a FUN thing...

Thursday, February 19, 2009

Sonya's Garden

 
 Ito ang litrato namin noong magpunta kami sa Sonya's Garden sa Tagaytay dalawang taon na ang nakakaraan. Ito ang napili kong ilahok para sa tema ngayong linggo na Tipanan dahil gusto ko ulit bumalik dito upang mag-date.(haha)
 
Nakaka-relaks kasi rito.Kahit na isang araw ka lang na lumagi ay siguradong parang isang maikling bakasyon.
At masarap pa ang pagkain dito.Lalong-lalo na ang kanilang Dalandan Juice....

Magandang araw ng huwebes mga ka-litratista!

Wednesday, February 18, 2009

Fiesta dito sa amin noong linggo...

Fiesta ni San Roque( patron saint of dogs and those who love 'em) at kapag Fiesta siguradong may mga Ati-atihan.Kung dati ang mga Ati-atihan ay mukhang mga katutubo ang itsura ngayon iba na...
 
Ganito na! Mga bading na mukhang bouncer dancing to some happy tunes... At parang mga dance carolers noong Pasko, mayroon din silang mga bahay na tinatapatan at nagpe-perform doon.

Hayan si ate,kumakain ng apoy!

O di ba,ang taray? parang dragon lang?

O kaya nyo ba magbuga ng apoy with grace?

Hindi lang iisa ang nag-show sa tapat in internet shop.Heto pa...
 
Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng grupong ito pero mga maskulado...Juskoday!

At nakuha pang magpa- cute!Hypnotized

Si Sweet oh! ay teka hindi pala...kamukha lang

 
At nagsimula na ang kanilang pambato..Hala sige ate,lunok!


Galit na galit ang mga muscles at ugat ng isang ito!
 
Ayan naman si Ykaie at ang kanyang mga pinsan na si Thea (green) at Cyra.Nasa gate at nanonood ng Ati-atihan. Si Ykaie,change outfit pa.Isa yan sa mga tig-P35 pesos na nabili namin sa Divisoria nung isang araw..
Wala naman kaming handa..pero nagluto si ate ng Paella Negra..  At yun na ang mga kaganapan noong Fiesta.Marami pa sana akong gustong kunan kaya lang napagod naman ako...
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin