Wednesday, February 11, 2009

kainis tong mga to,anu-han ng anu-han...

Nakikinig ako kaninang hapon sa nanay ko habang nakikipag-usap sa telepono...

Nanay: O nagpa-ano ka ng ano?
(pause) nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya..
Nanay: Ano? O eh bakit ano?
(pause)
Nanay: o eh ako ba ang mag-aano nyan? eh hindi pa nga alam ng may-ari..
(pause)
Nanay: O eh nag-ano si ano ng kwan?

Sus, buti na lang kapatid nya yung nasa kabilang linya at nagkaintindihan sila.

2 comments:

Anney said...

naiintindihan ko si mudra!! translate ko sayo ha?

Nanay: O nagpasipsip ka ng taba?
(pause) nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya..
Nanay: liposuction? O eh bakit konti lang sinispsip?
(pause)
Nanay: o eh ako ba ang magsisipsip nyan? eh hindi pa nga alam ng may-ari
(pause)
Nanay: O eh nag ipon si Vicky Belo ng taba mula sa tyan mo?

Mom of Four said...

hehehe, kakatuwa ka Anney huh..Peachy, next time eh wag ka na lang makinig para di ka nagwa wonder..di ba? hahaha

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin