Wednesday, February 18, 2009

Fiesta dito sa amin noong linggo...

Fiesta ni San Roque( patron saint of dogs and those who love 'em) at kapag Fiesta siguradong may mga Ati-atihan.Kung dati ang mga Ati-atihan ay mukhang mga katutubo ang itsura ngayon iba na...
 
Ganito na! Mga bading na mukhang bouncer dancing to some happy tunes... At parang mga dance carolers noong Pasko, mayroon din silang mga bahay na tinatapatan at nagpe-perform doon.

Hayan si ate,kumakain ng apoy!

O di ba,ang taray? parang dragon lang?

O kaya nyo ba magbuga ng apoy with grace?

Hindi lang iisa ang nag-show sa tapat in internet shop.Heto pa...
 
Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng grupong ito pero mga maskulado...Juskoday!

At nakuha pang magpa- cute!Hypnotized

Si Sweet oh! ay teka hindi pala...kamukha lang

 
At nagsimula na ang kanilang pambato..Hala sige ate,lunok!


Galit na galit ang mga muscles at ugat ng isang ito!
 
Ayan naman si Ykaie at ang kanyang mga pinsan na si Thea (green) at Cyra.Nasa gate at nanonood ng Ati-atihan. Si Ykaie,change outfit pa.Isa yan sa mga tig-P35 pesos na nabili namin sa Divisoria nung isang araw..
Wala naman kaming handa..pero nagluto si ate ng Paella Negra..  At yun na ang mga kaganapan noong Fiesta.Marami pa sana akong gustong kunan kaya lang napagod naman ako...

5 comments:

Anonymous said...

ha ha. ang gara ng mga bakla. at kita pa sa shot mo yung palaman sa bra ha? he he

si Ykaie. super cute sa kanyang "chang" outfit

Anonymous said...

nyahahaha...ang taray ng mga amazona (o amazono). parang konti na lang sisigaw na sila ng "DARNA!!". matutuwa si bebe gandanghari sa kanila :D

Mommy Liz said...

Ay kapag nauwi ako sa Pinas, imbitahan mo naman ako at makikikain ako kila ate Anney, hahaha! parang ang dami niyang niluluto lagi..

Gaganda ng mga tig 35 na damit ng bagta ha, punta rin ako ng divisoria.

Anonymous said...

Namiss ko ang mga bonggang bonggang fiesta. Dito sa min walang ganyan. :(

Ang cute ng mga kids :)

The paella negra.. also looks yummy

Anonymous said...

Hehehe! Nakakatuwa sila! I enjoyed the pictures and had kept me laughing while browsing. Sarap ng Paella, penge nga. Sorry, mahina ang Tagalog ko, Bisaya kasi.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin