Friday, February 6, 2009

Balentayms

peanutbutter and I are going to spend this year's Valentine's Day in Paris, France...the most romantic city in the world. We will be there for ten days and we are booked at Hôtel Le Méridien Montparnasse.
 

CHOS! Chenes lang..Nagde-daydream lang ako. We're lucky if we could have a date on Valentine's Day. Sus, kung maiiwan namin si Ykaie...

Hay,(buntung-hininga) Valentine's Day na naman pala sa susunod na linggo...Palabas na kaya ang You Changed My Life?..baka magyaya si peanutbutter...hehe. Sana The International na lang pero ayoko kaya sumabay sa mga nagde-date kapag Valentine's parang laging may rally.Daming tao!

At ang dami ring nangyayari,parang legal holiday ito...

Una,Tumataas ng sampung doble ang presyo ng mga bulaklak. Yung dating nakakabili ng isang bouquet ay isang piraso na lang ang kayang bilhin.

Pangalawa, Siksik,liglig at umaapaw ang mga hotel at motel sa buong Pilipinas. Kung pupunta ka ng medyo gabi na siguradong pang #648 ka pa.

Pangatlo, Dumarami ang nagbebenta ng mga chocolate na may Valentine's Theme.Yun bang may mga balot na kulay pula at may design na puso.O kaya'y chocolate na nasa loob ng kahon na korteng puso.

Pang-apat, Uso na naman ang kulay Pula. Magmumukhang duguan na naman ang kamaynilaan sa dami ng taong naka-pula.

Pang-Lima, Aapaw na naman ang mga Valentine's Card at siguradong makakatanggap ka nito..

Pang- anim, Sale ng mga stuff toys lalong-lalo na ang teddy bears.Ito kasi ang paboritong ibinibigay ng mga jowa sa kanilang mga jowa..
 
O diba? ang daming nagaganap?? Pero kahit anong mangyari at kahit hindi Valentine's Day, Sana ay ganito pa rin tayo ka-sweet sa ating mga minamahal sa buhay..

O paano?

ADVANCE
MyHotComments.com

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin