Nagpaalam sa akin kahapon ang aming kasambahay na si Tere. Hanggang March 20 na lang daw sya at uuwi na sya sa Cebu.Biniro ko pa nga na baka mag-aasawa na sya kaya sya uuwi, hindi raw.Siguradong mahihirapan na naman ako kapag nawala si Tere at ako na ulit ang maglilinis ng shop tuwing umaga at mawawalan na rin ako ng time na maka-idlip sa tanghali...haggardness na naman ang lola nyo...
Looking at the bright side,nakakapayat yun...hahaha
But kidding aside, sometimes our household helps are taken for granted because they are always there to do the things around the house but I'm not guilty of that.Sobrang na-appreciate ko si Tere kasi masipag sya.She may not be at par to my standard of doing things but she do things well and follow my instructions accordingly.Kaya nga, kahit papano spoiled din ito sa akin sa chicrya na paborito nya.At kapag nagpapaalam sa akin na may pupuntahan,pinapayagan ko.And I know she can be trusted, because I sometimes leave the computer shop up to her,not the whole day of course, but for a lengthy amount of time.
Naku, ang nanay ko? ayaw nila ng trabaho ng mga katulong.Palibhasa mga sanay din magtrabaho o kumilos around the house kaya matataas ang standards pero syempre hindi mo naman pwede hanapin yung trabaho mo doon sa katulong dahil magkaibang tao kayo.Ayaw niya ng ite-train pa. Sa ngayon pa naman, most ng namamasukan eh, ang babata...kailangan talaga i-train.
Sa susunod na buwan kapag sinuwerte ako'y may bago na namang susungitan ang nanay ko...
2 comments:
hirap talaga pag walang helper, specially if you are preoccupied with more than the household chores... lots of luck finding a new one! :)
mahirap na makakita ng trusted na helper ngayon. kuha ka ng relative, i tsismis ka, hay! danas ko yan..kaya kapag nasa pinas kami, ako na lang ang mag work sa bahay, at safe na eh wala pang makaka away na kadugo..
Post a Comment