Tuesday, February 3, 2009

Talaga nga naman...

Tatlo lang ang computer sa 2nd floor ng shop. Nasira ang isang headset dahil katulad nga ng sinabi ko ,ang mga tao dito ay parang mga bakal ang tenga ...na tanggap ko naman.Pag-akyat ko sa taas ay nakita ko na  sira ulit yung isang headset at iisa na lang ang matino. Katatapos lang maglaro nung 2 tao at inilipat ko pa ang headset dahil wala raw mapakinggan yung isa na natira.Noong time na sya, sinundo sya nung kasama nya sa taas at sabay-sabay sila bumaba.Nagpaalam pa nga sila sa akin at ang sabi pa nung isa.

" Ate Peachy, shinut-down ko na po yung computer"

Hindi ko alam kung sinabi nya yun, thinking na hindi na ako aakyat sa itaas dahil patay na yung computer.Well, kinailangan kong umakyat para patayin yung ilaw at electric fan at ......... SURPRISE!!!! yung nag-iisang matinong headset wala na! Ang mga @#$%&*!!! pagkamura-mura nung headset na yun nakuha pang nenokin!

Syempre, hinunting ni peanutbutter at ibinalik sa shop ang mga hinayupak.Kina-usap ko na lang at siguradong-sigurado namang hindi sila aamin. Ang sabi pa'y hindi naman daw sila ganoon. Baka kako, nagkakabiruan at binibiro nila ako.Nag-offer pa nga na bayaran.Sabi ko wag na nila bayaran pero syempre isinumpa ko na sila...
                                                                              -----
Kanina naman may batang naglaro ng 5 oras.Tinakbuhan ako pagkatapos ng limang oras. Paglabas ko ng shop wala na sya.Ang bilis! Grrr..

3 comments:

Mommy Liz said...

Ay, ang hirap ng ganyan, di ba dti naman webcam ang nawala sau? prang na di discourage yata ako mag internet cafe nyan ah..yun kasi ang blak kong ipamanage sa sis ko..,kasi para di ko na siya binibigyan ng allowance, hehehe..anyway, lahat naman ng bisnis may risk involve tlaga..

anney said...

@#$%&*!!!

Anonymous said...

I used to work at my parents cafe before and its no fun at all. I quit after 2 years, sold all the pc and marry my prince. I think you are doing well.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin