Showing posts with label life. Show all posts
Showing posts with label life. Show all posts

Friday, November 27, 2009

So I think I'm busy....

♥ Kailangan ko na iinstall ang switcher ng DOTA sa lahat ng computer sa shop. So far, may tatlong computer na akong natapos. I've been updating almost everyday for the past two weeks. Feeling ko nagiging- OC na ako.

♥Kailangang-kailangan ko na palinisan tong aircon ko dito. Sigurado akong dadaigin nito ang Farmville sa dami ng alikabok na naging lupa na naipon dito. Ang problema ko, kung san ako hahanap ng maglilinis at maglalagay ng freon nito...

♥ I made my menu for this week and half next week and I'm hoping I could stick to it. I'm lucky if I could make at least four of the things that I listed, specially now that I'm the one taking care of Ykaie most of the time.

♥Before going out, feel ko magsuot ng skirt. Kaya lang I was thinking...kapag tinoyo si Ykaie at naghihiga sa sahig, sigurado di ako pwede magtutuwad.
------------------------------

♥ Kanina, we celebrated my MIL and FIL's 33rd Wedding Anniversary. Kumain kami sa Flavors of China, afterwards my ILs went to see 2012, the movie. Sort of like a date....Sweet no? Yung nanay at tatay ko kasi di nila feel ang mga ganyang activity. Mas feel nila magsungitan,heehee. Anyways, I treated peanutbutter for a massage at The Spa, then Roman and I went to the CBTL....I tried their Moroccan Mint Tea, which I didn't like by the way,  I know I should've gone for the Ginseng Peppermint. Roman found a new favorite when I bought him The Ultimate Mocha.Syempre after coffee and tea, anu fa? Ykaie's rides at the Timezone.

Gosh, A few more pounds and I think I'm gonna burst!

Bago man lang ako sumabog, makagawa nga ng wishlist bukas...good night!

Tuesday, November 24, 2009

Adjustment Period

After ng birthday ni Ykaie,kinabukasan umuwi na ng Palawan si Tita Eva. Tutal malaki na si Ykaie,pwede na nya iwanan.I know she would miss Ykaie pero alam ko rin na mas gusto nya sa Palawan.Mas gusto nya kasi ang buhay dun.
So medyo mahirap ang adjustment ngayong wala akong mapag-iwanan kay Yk kapag may gagawin sa shop. Katulad ngayong gabi, nandito si ykaie shop,nakahiga sa lap ko at nagpapaantok,habang nanonood ng Tinkerbell. Hati kami sa computer screen, ako naman,nagba-blog sa kabilang side ng screen...na isang kamay lang ang gamit..hahaha. Limampung beses ko na kasi napanood tong Tinkerbell na to.
Hay, kung pwede lang sana na alagaan ko na lang si yk the whole day.... or better yet, sana pwede ko sya ikuha ng yaya,kaya lang di ko naman afford magpa-sweldo ng dalawang helper.
*Sigh* Makataya na nga sa lotto bukas.......

Tuesday, August 18, 2009

quick update lang:

* Kaninang umaga ay kinuhanan kami ng dugo ni kuya for our regular blood sugar check-up.
Blood Sugar is 5.99. I feel good, kase kahit na lamon ako ng lamon ng tsokolate  at 3 days na akong mega-lafang ng rice ay normal pa rin sya. Pati cholesterol level, mababa rin..hmmmnn..I must be doing something good.Kaya lang siguro kung iche-check mo ang caffeine level ko sa katawan ay humahataw ito.

*Things to buy: Honey para sa Mint Tea 
O dabah? sosyal! heehee..di naman,mas masarap lang talaga ang tsaa pag honey ang ilalagay kesa sugar lang.

*Things to do: Umaapaw sa dami ang gusto ko gawin na hindi ko magawa!!!! Chores, Goals at kung anu-ano pa. As in!! Pramis!

* Para akong nasa trance nitong mga nakakaraang araw. Pakiramdam ko, I have all the time in the world pero wala akong nagagawa. Trance nga ba?... Ito yatang Facebook ang may kasalanan.....masarap kasi chumismis oras-oras kesa gumawa ng iba pang bagay.

*Isa pa itong mga movies na ito. Pakiramdam ko napapahinga ang utak ko sa stress ng buong araw kapag nanonood ako ng movies dito sa shop habang nagbabantay. kaya nanonood na lang ako ng nanonood.

*I'm into THINKING lately.  Parang ang dami-daming nangyayari sa buhay ko ngayon na masarap paglaanan ng oras para tumunganga at mag-isip habang humihinga ng malalim at umiinom ng kape.

*But I'm lovin' these changes....new friends,new problems and new experiences. They are such wonderful wonderful BLESSINGS from God and just to let you know......... I'm always ready for the adventure.

Tuesday, February 24, 2009

We'll certainly miss this lass from Cebu...

Nagpaalam sa akin kahapon ang aming kasambahay na si Tere. Hanggang March 20 na lang daw sya at uuwi na sya sa Cebu.Biniro ko pa nga na baka mag-aasawa na sya kaya sya uuwi, hindi raw.Siguradong mahihirapan na naman ako kapag nawala si Tere at ako na ulit ang maglilinis ng shop tuwing umaga at mawawalan na rin ako ng time na maka-idlip sa tanghali...haggardness na naman ang lola nyo...

Looking at the bright side,nakakapayat yun...hahaha

But kidding aside, sometimes our household helps are taken for granted because they are always there to do the things around the house but I'm not guilty of that.Sobrang na-appreciate ko si Tere kasi masipag sya.She may not be at par to my standard of doing things but she do things well and follow my instructions accordingly.Kaya nga, kahit papano spoiled din ito sa akin sa chicrya na paborito nya.At kapag nagpapaalam sa akin na may pupuntahan,pinapayagan ko.And I know she can be trusted, because I sometimes leave the computer shop up to her,not the whole day of course, but for a lengthy amount of time.

Naku, ang nanay ko? ayaw nila ng trabaho ng mga katulong.Palibhasa mga sanay din magtrabaho o kumilos around the house kaya matataas ang standards pero syempre hindi mo naman pwede hanapin yung trabaho mo doon sa katulong dahil magkaibang tao kayo.Ayaw niya ng ite-train pa. Sa ngayon pa naman, most ng namamasukan eh, ang babata...kailangan talaga i-train.

Sa susunod na buwan kapag sinuwerte ako'y may bago na namang susungitan ang nanay ko...

Wednesday, February 11, 2009

Updates


Monday
peanutbutter starts training for his new account today.Kainis the schedule 9pm-6am.AAAARRGHHHH!!
planned to start South Beach Diet kahit na alam kong hindi ito swak sa eating habits ko..hay

Tuesday
decided to do SBD.Ayaw ni peanutbutter mag-baon during training.Kainis!nag-plan pa naman ako ng mga baon nya tapos ayaw nya naman pala...

Wednesday
parang mataas yung temperature ni Ykaie,pero wala naman syang lagnat.Decided to stp my kahibangan at itigil ang SBD.hahaha
------
Good news!
Gumagaang na ang life.Gusto na ni Ykaie sumakay dun sa mga strollers sa mall.Dati kasi ayaw nya kaya kailangang buhatin,eh bumibigat na din.

Yipee!!



 Ayan o..she had fun.Sabi ko nakasakay sya sa turtle..

Sunday, February 1, 2009

I was able to wake up at 9am the other day.thanks to peanutbutter. Bihira na lang kasi akong makatulog ng lampas 7:00 dahil nagbubukas ako ng computer shop ng 7:30 at hindi naman lumalampas ng 7:00 ang wake-up time ni Ykaie kaya palagi akong may wake up call..
-----
We attended peanutbutter's cousin's wedding yesterday.So nakapunta ulit ako ng Tagaytay. I had my first Starbucks coffee again after a long time.

The trip to Tagaytay reminded me how I love roadtrips. Now I know I'm in it to see and feel the morning sun.Somehow, you just don't feel it when you are in your normal mode in the city. May be because the day is too busy or you're too busy to care...

Thursday, November 20, 2008

2 day Chaos..or is it 3 day??

Nakakalurky! Apat na computer ang sabay-sabay na kailangang i-reformat dito sa shop nitong mga nakakaraang araw kaya naman busy-busyhan kami ni peanutbutter. Di nga ako nakasali sa mga memes ngayong linggo.Idagdag pa ang nalalapit na birthday celebration ni Ykaie sa Sunday.At take note hataw pa ang mga rakets ko this week.Hayz.Hwat a layp. *buntung- hininga* Aym Stressed..Scream

P.S.
Lord, di po sa nagrereklamo ako.I'm very thankful for all the blessings..... nagkukuwento lang kung bakit absent ako minsan dito sa tambayan ko at dun sa isa ko pang tambayan.

  Yawn  O siya sige..matutulog na ako..

Monday, October 13, 2008

Arekupo!

Kahapon ay nag-mall hopping kami ni ate.Free Emoticons For Your BlogNgayon na nga lang namin ulit nagawa ito simula ng di ko na maalala kung kailan ang huli.Tapos 2 lang ang pinuntahan namin,kumpara dati na apat na mall ang pinupuntahan namin sa loob ng isang araw.
Free Emoticons For Your Blog
Pag gising ko kanina,para akong may hang-over.Ni hindi naman ako umiinom, pero sa pakiramdam ko kanina parang naintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin ng hang-over.Haaaaay, tumatanda na yata ako...
Ang sakeeet - sakeeett po ng ulo ko! Tapos parang gusto ko masuka..Eeeewwwww!
Free Emoticons For Your BlogMasunget tuloy ako ng konte,kanina.Si peanutbutter naman,pinatulog pa ako ng xtra 2 hours ngayong gabi.....haaaayy,eto ako ngayon nagkakapeCoffee,masakit ulit ang ulo pero may pagka-refreshed ng konti..

Saturday, September 6, 2008

Apeem..

 
I want...
Selecta's Cookies and Cream Ice cream...
Waaaaahhh...mga 10 days ko na yatang gusto ito hanggang ngayon di pa ako nakakabili.Paano naman wala jan sa may 7-11 at mini stop sa city hall.
Nasa malabon si Yk yk.Naawa ako sa kanya kanina at narinig ko yun iyak nya over the phone.ayun,naninibago na naman siguro.Pero okay na daw sya ngayon sabi ni mama.
Ki-niss ako ni Ykaie kaninang umaga ng 3 times.Aawww...may consuelo na ako sa kanya.
I need a massage.My husband gives the best massage...
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin