Showing posts with label taxi. Show all posts
Showing posts with label taxi. Show all posts

Thursday, September 10, 2009

Mga Eksenang Pang -inis

Ayun na nga at napa-Starbucks kami nung Martes bago pa umuwi dahil unang-una ay naji-jingle na si ate at pangalawa ay super duper mega hirap sumakay. May napara man kaming taxi ay sukdulan naman ang pagtanggi na ihatid kami sa Glorietta.

Pagkatapos namin manginain ng  Venti Caramel Dark Roast Coffee Jelly Frappuccino, Butterscotch Fudge Bar at Deli Sandwich ay lumabas na kami para mag-taxi. Ang balak namin ay unti-untiin na lang ang biyahe papuntang Caloocan. Kunyari, taxi hanggang megamall, tapos sa megamall ay taxi papuntang SM North tapos sa SM north na kami magta-taxi pauwi. Noong pumara kami ng taxi ay:

EKSENANG PANG-INIS #1

Taxi Driver: San Kayo?
Ako: Ma, sa Megamall ho.
Taxi Driver: Dagdagan nyo na lang ho at traffic
[Haler, malapit na nga lang nagpapadagdag pa?]
Ako: O sige Glorietta na lang.
Taxi Driver: Sige

Pagkatapos ng limang minuto.......

Taxi Driver: Dito na lang kayo sa Glorietta 3 kasi yun yung pinakamalapit dito sa daan natin eh
Ako: Sige, dun nyo na lang kami ihatid pero dagdagan nyo ho kami ah....

tapos tsaka ako nagtatawa....Ahahaha. Eh gago eh. Nagpapadagdag tapos kung san nya gusto kami ihatid dun nya kami ihahatid porke't mahirap sumakay at masama ang panahon. Pikang-pika nga, di natawa...di siguro nya na-get yung "humor" ko...

EKSENANG PANG-INIS #2
Etong nagda-drive ng taxi na to nung martes, na pipila-pila sa Taxi Lane sa Glorietta tapos eh ayaw maghatid sa kung saan pero inutil na "to any point in Luzon" ang nakalagay sa taxi nya at hindi naman "to any point in Makati".

Matanda na, inutil pa. Di pa makipagkita sa creator nya....

Isinakay kami sa taxi lane tapos ay ibinalik ba naman kami sa Pila. Sana pala napa-tiketan sa MAPSA ang p^ny3t@.



----------------------------------------
Buti na nga lang at hindi lahat ng taxi ay ganoon..Yung taxi na nagsakay sa amin papuntang SM North ay humingi pa ng pasensya at hanggang doon lang nya talaga kami maihahatid. Sinobrahan ko na nga yung bayad dahil sobrang grateful ako pero sinuklian nya kami at naintindihan nya daw.
Pagod at inis na ako kaya walang picture itong si Manong pero Manong Saludo ako, as in SALUDO AKO sa inyo!!

Tuesday, June 2, 2009

Inutil na Driver

Grabe! buong araw akong di makapagsulat kahapon dahil sa sobrang ngitngit ko. Super duper mega stressful --as in STRESSFUL!!-- ang araw ko.

Simulan natin noong Linggo ng gabi. Sa kasagsagan ng ulan, dami ng tao dahil sale sa Trinoma, at humigit-kumulang na dalawang oras na ipinila namin para makasakay ng taxi ay nasakay kami sa isang inutil na taxi driver.
Mareklamo ang punyemas. Pagkaalam na pagkaalam kung saan nya kami ihahatid ay sinabi ba naman na
" Eh malalim ang baha dun eh"

Ako: Hindi ho bumabaha sa lugar namin.
Inutil na taxi Driver: Malalim ang baha dun. Sa monumento pa nga lang bumabaha na.
Ako: Hindi ho bumabaha sa lugar namin,Pramis.

Akala mo ba eh pareho lang ang lugar na tinitirhan namin para sabihin malalim ang baha sa amin. Di na nga lang ako masyadong nagreklamo at baka pababain pa kami eh dala namin si Ykaie.Pero dun pa lang namuro na sya sa akin.

Pagdating sa monumento, Lumiko sa hindi nya dapat likuan.Sabi ko ay ibalik na lang sa pinanggalingan namin para hindi na kami maligaw.Eh sumige pa rin ang hinayupak ayun sumuot ng sumuot at nagkandaligaw-ligaw kami. Tapos reklamo ng reklamo kesyo sinundan nya raw kasi yung nauna sa amin. Eh hindi naman sinasabi sa kanya nung mga kotse na sundan sila. Tanga nga..

Sigawan ko nga. sabi ko " eh sabi ko kasi sa inyo kanina pa bumalik na lang tayo,Tigas ng ulo nyo eh!"
Haha, Monumento na yata,kahit pababain nya kami,malapit na ang bahay namin. Pagkatapos nun Bumingo na sya kaya inaway-away ko na.

Thursday, February 26, 2009

Mga taxi drivers na pasaway...

P@#$%&*!! na mga taxi yan.Nakakalurkey na. Pangalawang taxi na itong tumatanggi na isakay kami.Hindi ba't isinasaad naman sa batas na bawal tumanggi ang mga taxi sa pasahero nila? Minsan nga kapag nagpapadagdag sila ng bayad ay dinadagdagan na namin kahit bawal,pero yung tanggihan na isakay ka?? Sus, kaya nga nakalagay sa mga kaha ng taxi na ihahatid ka nila to "any point in Luzon". Baket? Sa Visayas ba ako nagpapahatid?!?

MGE Taxi pa naman...tsk tsk tsk....May reputasyon pa naman ang taxi nila.Ang plate number ng unang taxi na tumanggi (na sinabi ko sa sarili kong ire-report ko pero di ko naman nagawa) ay TXB 628. Yung pangalawa ay kanina lang...
Ang kapal pa ng face ng mamang driver na ito.Nasa unahan ng pila dyan sa may SM North pero namimili ng isasakay. Matanda pa naman na sya at malapit ng kunin ng kapwa nya tapos ganoon pa ang ugali.Dapat dito sa mga ito ayMallet .
Hanggang sa magka-Blackeye .
---
an excerpt...
Senator Manny Villar, Chairman of the Senate Committee on Public Order, says the common practice of taxi drivers who choose or refuse passengers should be stopped, since it unduly inconveniences commuters.

Senate Bill 782 upholds the promotion of the general welfare of the Filipinos, particularly equal access to public services and utilities such as transportation. It provides for penalties to taxi drivers who violate the law.
According to Villar, the concerned authorities such as the Metro Manila Development Authority (MMDA), the Land Transportation Office (LTO) and the Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) have also been issuing warnings to taxi drivers and operators in being choosy in rendering services, but to no avail.
-----
Para sa mga taxi na patuloy na namimili ng pasahero....
FingerFingerFinger
(please excuse me,they needed that)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin