Showing posts with label Bad Trip. Show all posts
Showing posts with label Bad Trip. Show all posts

Tuesday, September 7, 2010

I'm being nice..

I wanna stab someone in the eye with a pair of scissors....yes, this is the devil I'm talking about...nakasanib sya sa isang empleyado ng Caloocan City Hall.

oh..and I wanna stab him over and over until the devil comes out of him...


Pasensya na. this is not my normal self talking. Nasabi ko lang yan kasi ayoko mapuno ng mura ang blog ko....

Saturday, July 17, 2010

Walang TUBEEEEEG!!!

Ano ba naman yan? Nung isang araw may topak ang internet connection tapos nawalan ng kuryente ng bente-kwatro oras {well, medyo thankful ako doon, kasi nakalakwatsa ako} tapos ngayon naman walang TUBIG?!

Ano beh? Lagi na lang kulang ang buhay.

Although, di ko naman talaga kailangan ng tubig dito sa shop, nakakainis pa rin dahil tuwing bubuksan ko ang gripo at maghuhugas ako ng kamay ay walang lumalabas na tubig. Saka ko lang maaalala na wala nga palang tubig sa gripo at kailangan ko gamitin yung tabo sa tabi ng lababo.

Parang di naman ako nakarinig ng advisory tungkol dito. May scheduling ba? Ang pangit naman kung Waterless Weekend ang drama natin....

Teka, eto, nakakalkal ako ng schedule despite the topaking internet:

Monday, April 12, 2010

Isa na namang pangyayaring kakaiba....

Kaninang hapon, dahil hindi masyadong busy ang shop ay nakikipag-chikahan ako kay Teacher Hazel sa labas. maya-maya, may lumapit na isang kalbong lalaki at ang sabi: "ate, saan ba pwedeng umihi dito?"
Ako naman, dahil sanay na sanay na sa ganoong bagay ay pinayagan kong umihi sa CR ng shop. Ang katwiran ko kasi kesa naman sila mag-ihian sa gilid ng shop na pumapanghi at naamoy ko, eh di doon na lang sa CR.Gaano na lang ang makukunsumong tubig noon sa pagbuhos.Ang bait ko, ano?

Aba, nakaraan na ang limang minuto, hindi pa lumalabas ang punyemas. Sabi ko sa pamangkin ko na si kakay,hintay ka ng 2 minutes tapos katukin mo. Impossible namang pagkatagal nya umihi at hindi naman sya babae. Ito namang kakay, saksakan ng hinhin at ang pagkatok sa pinto parang nangangalabit lang. Hindi ako nakatiis at binuksan ko ang pinto. Ang tinamaan ng lintek! nakahiga sa sahig ng banyo at hubo't hubad. Ang nakakalurky pa, maliligo raw sya. Ang taray ng loko.

Ay, may toyo ito, sa isip ko. Hinahamon ako. Eh may toyo rin ako at pumapatol ako sa may toyo. Hala, kinuha ko yung pamalo naming bakal at sinigawan ko ng bonggang-bongga. Pinapalabas ko ng CR. Namura ko pa nga sa sobrang gigil ko.

Inawat nga ako ni Teacher Hazel at  ang sabi sa akin baka raw kung anuhin ako nung toyo. Naisip ko, oo nga ano.... pero hindi ko na maawat ang inner Maton-slash-Amazona-slash-Pulis ko. Pumasok ako ng bahay at naghahanap ng asido, maraming yatang asido ang nanay ko. Pina-panglinis nya ng banyo namin. I am absolutely sure, na ke sira-ulo o hindi, sigurado sa asido tatayo sya sa sahig ng banyo.

Buti si kakay tinawag si Kuya Olan at nakuhang takutin ang toyo sa pamamagitang ni Baldo, aso nyang fake ang pagka-maton. Physically scary lang. Hala, mas magaling pang tumahol si Kuya Olan kay Baldo. Si Kuya Olan na nga ang tumahol para kunwari tumatahol si Baldo.

Sabi ni ate, sana daw ay kinunan ko yung Toyo para nai-blog.......hindi ko na nga naisip at gusto ko eh hatawin nung hawak kong pamalo. Maghumiga ba ng nakahubad sa banyo?? Total Eeewwness...

Saturday, December 19, 2009

Speechless

Wala akong boses...as in WALA talaga. Para lang akong bumubulong kapag nagsasalita.May get together pa naman kami mamaya tapos ganito ako-- di makapag-salita. Paano ako chichika nito? Hay, Si peanutbutter naman kasi nung biyernes masakit ang lalamunan, medyo malat at nilalagnat. Di ko na nga pinapasok sa work at baka lumala pa.Yun pa naman ang puhunan nya sa pagiging call boy [call center boy]. Nahawa yata ako sa mokong na yun at pati ako nagkaganito. Dagdagan pa ng minu-minutong kasasaway kay Ykaie na nuknukan ng kulit na, ayan nawala na ng tuluyan ang boses ko.
Kahapon kaboses ko lang si Inday Garutay, ngayon kapag nagsasalita ako para akong pipi.Walang lumalabas.Ang kaya ko lang gawin ----sumitsit. Psssssssst!

Monday, November 16, 2009

PMS-ing on a monday


At nagsimula na naman ako ng panibagong laro sa FB........ nakakatamad naman kasi. Minsan wala namang magawa dito sa shop lalo na on a monday.
and I feel really really sleepy. Alam nyo naman ako pag maraming nakakain na rice, inaantok ako. Akalain ko ba naman na masarap pala yung White Chicken Adobo na may Tanglad ? I'll share the recipe at The Peach Kitchen tomorrow.
Kahapon nagyaya si peanutbutter manood ng 2012[movie]. Alam ko naman na maraming manonood dahil unang- una ay sweldo at pangalawa ay araw ng Linggo.  Sabi ko ay ngayon na lang tutal naman ay out nya ng 1pm, so after works hours nya na lang. Aba, ang lolo mo parang di naman ako narinig at walang reaksyon. O hala, ibigay ang hilig. Dumating kami sa Trinoma ng mga 6pm. Pumila ng mahaba. At pagdating sa dulo ng pila, in bold letters: SOLD OUT .Ang natitirang oras? 10:30 pm.

Ang lolo mo? Umuusok ang ilong na parang dragon sa galit dahil kung tutuloy kami ay wala na syang itutulog pa.[4am ang pasok nya] . At syempre, katulad pa rin ng dati, kapag galit sya ay ako ang unang-unang napapagbuntunan ng galit galit nya.Eh saktong-sakto naman sya sa PMS ko. Wa ako care kahit ano pa gawin nya dyan. Iritang-irita ka na nga dadagdag pa. As if naman may magagawa ako kapag nagalit sya sa akin.

Hala, hayaan ko nga sya. Naiinis pa rin ako kahit na pinagluto ko sya. hay buti na nga lang at hindi nya day off kinabukasan. Ang hirap akya pag iritable ka tapos may kina-iiritahan ka pa.

THINGS TO DO WHEN YOUR WIFE/GF HAS PMS:

Thursday, November 12, 2009

Magnanakaw si RoseJean Palmares

Naloka ako at yung punyemas kong katulong na wala pang isang buwan ay nahuli ko kanina na sinubukan akong nakawan ng T-Shirt. Hindi naman kagandahan ang T-Shirt at hindi rin sya bago. Idol siguro nya ako at nagagandahan sya sa akin kapag suot ko yon. Gusto nya maging kasing ganda ko at akala nya kapag suot nya yon ay magiging kasing ganda ko sya. Feeling Blusang Itim of the 21st century ang gaga.

Favorite ko ang T-Shirt at feel ko isuot kanina. Alam kong na-labhan at na-plantsa na yon dahil naglaba sya kahapon at nagplantsa kanina. Aba, namuti na nag mata ko sa kahahanap ay di ko makita. Buti at naisip ko tingnan ang lalagyanan ng damit nya.Ayun! Nakasiksik sa mga damit nya. Ang dami pang palusot ng gaga, kesyo itatanong daw nya kung kanino iyon, kesyo di daw nya alam kung paano napunta doon, nandoong nag-sorry. Di ko nga lang masakal pero galit na galit ako kanina.Lahat nagulantang. Nag-huramentado nga raw ako sabi ni peanutbutter.

Kung pwede lang sipain papuntang agency nya, sinipa ko na. Hinatid ko kanina, at papalitan daw ng agency nya bukas.

Thursday, October 8, 2009

Xend Express: 10 years ang delivery!


I find Xend Express to be very incompetent when it comes to deliveries. Kung gusto nyong umabot ng 10 years ang item na ishi-ship nyo, ayan, dito kayo magpa-deliver. I bought peanutbutter a Sandisk Sansa Clip which should have been in my hands since last tuesday but is still at the hands of these people working at Xend.

Last Tuesday aftenoon, noong tri-nack namin ang order namin, nakalagay ay unlocated address daw yung address namin kaya di nai-deliver. [pero kapag Air21, umaga pa lang nasa amin na ang package]. I called Xend at yung naka-sagot pa sa akin ay parang hindi nai-train ng maayos.Ni wala man lang good afternoon, how may I help you?. At mararamdaman mo sa boses nya na parang naiinis pa sya at tumawag ako. Sabi ba naman sa akin:
"Eh baka yung ibinibiigay nyong address, eh kapareho rin nung nandito?"

Hala! Aba, eh natural, dun ako nakatira. Kailangan ba na lumipat pa ako ng tirahan para makarating sa akin yung package na pinadala sa akin?! Haler?! Ang lakas ng tama mo, ano?

It took me less than a minute to find this map of our street on the net..I'm sure meron naman silang computers to look it up. Unlocated ba ang isang address na kayang i-locate ng less than a minute?


Question: Kung nakarating sila ng Caloocan City Hall today, assuming na nagpunta nga sila, hindi ba sila pwede magtanong sa mga sidecar/tricycle driver o sa kung kahit na sino na lang na naglalakad sa kalsada kung nasaan ang punyemas na Velasco St.?

At kanina, noong i-track ko ulit yung package,out for delivery since 5am daw pero hindi na naman nakarating sa akin yung package. Sigurado bukas ay unlocated address na naman ito! Kanina ay nag-email na ako, binigay ko na ang landline at celfone ko at sinabi ko rin sa kanila na tawagan nila ako kapag nasa City Hall na sila, pupuntahan ko na lang sila at ako na lang ang pi-pick-up sa package ko para SUMAYA AKO.

Saturday, September 12, 2009

Mga Kinain ni PGMA and company sa Le Cirque

Na-receive ko ito sa e-mail at ako ay namangha. Nais kong ibahagi sa inyo para mamangha din kayo:


Mga kababayan silipin nga natin kung ano itong pinag iinitang mga kinain daw ni Kamahal-mahalang Pangulong Gloria sa Le Cirque New York at ang kanyang mga kampon. Since may ambag naman tayo (as a taxpayer ) dapat lang sigurong makita natin kahit sa picture man lang ang mga pagkaing nararapat daw para sa ating mga honorable public servants. Take note mga kaibigan, US DOLLARS yan.....

   
Ang bill ng entourage ni Gloria sa Le Cirque
Golden Osetra Caviar . Sa Tagalog, kumpol-kumpol na itlog ng isda. Rare daw ito. Malansa at lasang bagoong, sabi ng iba. Kulay itim lang to pero
ang lasa siguro nito ay kagaya din ng itlog ng galunggong, di kaya? Php13,720/order 
 
California Osetra Caviar . Kumpol-kumpol na itlog ng isda na mula sa California . Mas mura kesa sa Golden Osetra Caviar. 
P4,900/order 
 
Le Cirque Salad . Pinaghalo-halong mga gulay tulad ng lettuce (wag kayong jologs, hindi [let-us] ang pronunciation nyan, kundi [let-is] , okay?)…sige na nga litsugas nalang…  ano pa ba yan? er…sibuyas, balat ng sibuyas, sitaw, mayana, dahon ng gumamela, etc… P1,078/order lang yan
 
Le Cirque Lobster Salad . Merong lobster meat, pipino, avocado, kamatis, okra saka dahon ng sibuyas. P2,842/ isang plato niyan
Le Cirque Tuna . Syempre merong tuna dyan (na posibleng galing sa GenSan), orange, sesame seeds, wasabe ata yung green paste sa ilalim,
anim na pirasong halamang ligaw (dami dito samin nyang dahon na yan!) saka ilang patak na orange sauce. P1,029/order naba yang apat na hiwang yan?
 
Le Cirque Soft Shell Crab Tempura . Ngayon ko lang nalaman na meron palang crab na soft ang shell nya…ahihihihi…So ang ingredients dyan ay crab
saka harina tapos may kamote at ang paborito ni Popeye na spinach P1,078 /platter
 
 
Le Cirque Spring Pea Soup . Mga pataning pinaikot at pinalamutak sa blender para maging soup. A.k.a. Etchas ng baby P1,176 isang bowl?
 
 
Le Cirque Wild Burgundy Escargot. Pronounced as [es-kahr-goh] . Tandaan nyo yan para hindi kayo magmukhang enggot pag kumain kayo sa Le Cirque in the future, okay? Ang escargot ay kuhol. Madami niyan sa palayan kapag tag-ulan. Hmmmmmmmmm…sarap ng ginataang escargot! Kasama ng escargot dyan ay 2 munchkin donuts, makapuno, itlog ng isda saka ferns. Ito daw ang nagustuhan ni Senator Lapid dahil favorite nya ang kuhol. P1,421/order grabeng mahal naman ng kuhol na yan!
 
Le Cirque Torchon of Foie Gras . Ang foie gras ay atay ng bibe or gansa. Ang pagbigkas nito ay [fwah-grah] . Ang torchon naman ay isang paraan ng pagluto ng foei gras na kung saan ibinabalot ito sa isang tuwalya at niluluto sa mainit na likido tulad ng alak o tubig. P1,715/order lang naman yan 
 
Paupiette of Black Cod . Ito’y manipis na piraso ng isda (black cod) na nirolyong parang shawarma at merong mga gulay sa gitna.Paupiette is pronounced as [poh-pyet] . P2,401.00 / order (pun-yeta!!!!!)
 
Le Cirque Halibut Poached in Cocunut Milk. Halibut is pronounced as [hal-uh-buht] . Ito ay isang uri ng isda. Ang price P1,960 /order
 
 
Dover Sole . Isa rin itong uri ng isda at ito rin ang pinakamahal sa main course na inorder ng ating mga public servant P3,675/order wow na wow. Ano kaya ang lasa nyan, noh? 
 
Le Cirque Saddle of Lamb . Ano ba ang saddle sa Tagalog. Hmmmmmmm…part daw ng backbone and loins. Eh ano yung loins sa Tagalog? Tadyang o pigi? Ay basta tupa lang yan! P2,548/order naman yan (anak ng tupa naman....)
Krug Champagne . Sa sobrang sarap ng Krug, umorder sina Gloria ng labing-isang bote nito. Kulang-kulang Php 249,000 lang naman iyang 11 bottles na yan. Ilang ginbulag kaya ang mabibili sa Php 249,000.00? Teka, downpayment na yan para sa isang bahay ah! Tsk…tsk…tsk…  
Sorry wala yung pix ng ibang entrees.

Thursday, September 10, 2009

Mga Eksenang Pang -inis

Ayun na nga at napa-Starbucks kami nung Martes bago pa umuwi dahil unang-una ay naji-jingle na si ate at pangalawa ay super duper mega hirap sumakay. May napara man kaming taxi ay sukdulan naman ang pagtanggi na ihatid kami sa Glorietta.

Pagkatapos namin manginain ng  Venti Caramel Dark Roast Coffee Jelly Frappuccino, Butterscotch Fudge Bar at Deli Sandwich ay lumabas na kami para mag-taxi. Ang balak namin ay unti-untiin na lang ang biyahe papuntang Caloocan. Kunyari, taxi hanggang megamall, tapos sa megamall ay taxi papuntang SM North tapos sa SM north na kami magta-taxi pauwi. Noong pumara kami ng taxi ay:

EKSENANG PANG-INIS #1

Taxi Driver: San Kayo?
Ako: Ma, sa Megamall ho.
Taxi Driver: Dagdagan nyo na lang ho at traffic
[Haler, malapit na nga lang nagpapadagdag pa?]
Ako: O sige Glorietta na lang.
Taxi Driver: Sige

Pagkatapos ng limang minuto.......

Taxi Driver: Dito na lang kayo sa Glorietta 3 kasi yun yung pinakamalapit dito sa daan natin eh
Ako: Sige, dun nyo na lang kami ihatid pero dagdagan nyo ho kami ah....

tapos tsaka ako nagtatawa....Ahahaha. Eh gago eh. Nagpapadagdag tapos kung san nya gusto kami ihatid dun nya kami ihahatid porke't mahirap sumakay at masama ang panahon. Pikang-pika nga, di natawa...di siguro nya na-get yung "humor" ko...

EKSENANG PANG-INIS #2
Etong nagda-drive ng taxi na to nung martes, na pipila-pila sa Taxi Lane sa Glorietta tapos eh ayaw maghatid sa kung saan pero inutil na "to any point in Luzon" ang nakalagay sa taxi nya at hindi naman "to any point in Makati".

Matanda na, inutil pa. Di pa makipagkita sa creator nya....

Isinakay kami sa taxi lane tapos ay ibinalik ba naman kami sa Pila. Sana pala napa-tiketan sa MAPSA ang p^ny3t@.



----------------------------------------
Buti na nga lang at hindi lahat ng taxi ay ganoon..Yung taxi na nagsakay sa amin papuntang SM North ay humingi pa ng pasensya at hanggang doon lang nya talaga kami maihahatid. Sinobrahan ko na nga yung bayad dahil sobrang grateful ako pero sinuklian nya kami at naintindihan nya daw.
Pagod at inis na ako kaya walang picture itong si Manong pero Manong Saludo ako, as in SALUDO AKO sa inyo!!

Saturday, August 8, 2009

Sabado na naman

Ayokong-ayoko pag sabado.Pag sabado kase day off na ni peanutbutter at dahil nga callboy [ call center boy] si peanutbutter,hapon ang uwi nya at ang nangyayari ay sa kagustuhan nyang sulitin ang rest day nya ay gabi sya matutulog. Kahit pilitin mo syang matulog ay hindi talaga sya matutulog. Dahil pagod na pagod na sya sa buong magdamag at sasamahan pa ng buong maghapon ay grabe na sya sa pagka-CRANKY! Daig pa ang nagda-DIET na may PMS!

Kanina, super pagod sya dahil ayaw humiwalay sa kanya ni Ykaie. Eh natulog ako kasi sobrang pagod na talaga ako at ilang days na akong nag-aadik (puyat). So, nagbabantay na ang lolo mo sa shop, binabantayan pa nya si Ykaie. Ang siste ay ilang beses na naman akong nasinghalan at nasimangutan. Buti pang di na lang ako natulog at nagpakalunod na lang ako sa isang drum na kape.

Tuesday, June 2, 2009

Monday

Pagkagising na pagkagising ko pa lang,nauna pa sa kape ko ay may nasagap akong napakasamang balita. Medyo may pagka-personal na ito masyado kaya wiz ko na May-I-tell. Kaya naman imbes na ang pundasyon ng araw ko ay kape,itong lintik na balitang ito na lang. Ngitngit na ngitngit tuloy ako simula umaga at nagpatuloy ang kamalasan hanggang gabi. Hindi ko yata araw kahapon.

Ni hindi ako gumawa ng kahit na ano at alam kong malilipat doon ang galit ko. Teka nga't maikwento ang mga ibang nagyari sa akin.

MID- MORNING
Pumunta kami si ate sa palengke para mamili. Iyong pedicab na nasakyan namin ang sinisingil ba naman ay P30 simula palengke hanggang sa amin. Bente pesos daw ang isang tao.Kundi ba naman sya isang tanga at kalahati,araw-araw kaming sumasakay ng pedicab at malaki na nga yung bente-singko pesos na ibinabayad namin araw-araw.
Away-awayin ko nga at sigawan ko nga ng "GAHAMAN!!" at nagtitigan pa kami bago sya umalis.

KINAHAPUNAN
May isang taong nagsabi na ang jubey ko raw. Sige,dagdagan pa ang init ng ulo ko. Kung sinabi sa akin nitong tao na ito ng ibang araw, I could've laugh it off..pero hinde, pinili pa nyang sabihin ito sa akin kahapon. Kahapon na gusto kong pumatay ng tao without any remorse. At sinabi pa sa akin na bakit daw sya eh kaya nyang maging physically fit. Haler? Wala kang ginagawa? Ako kaya gising na ng 6am at natutulog ako ng 1am. Some people have to eat because they work,you know?

GABI NA
Nag-aya si ate bumili ng pagkain sa Chowking.Kahit inaantok na ako at medyo wala sa mood ay go ako dahil baka kako ma-de-stress ako kapag kumain. Sabi ni ate ihingi ko raw sya ng extra soup. Ang order namin ay Boneless Bangus, Half Chicken Supreme, Braised Beef at mango Tapioca,which cost us more than P400.Pagkabigay ng order.

Service Crew: mam eto na po
Ako: Pwede ba humingi ng extra soup?
Service Crew: Eh mam, di po pwede kasi wala po kayong order na noodles
Ako: Pag walang order na noodles,di pwedeng humingi ng extra soup? (may konting inis na ang boses ko..nagtrabaho kaya ako sa Chowking dati at hindi ganon ang policy)
Service Crew: Opo
Ako: Are you sure?

Nataranta ang service crew, sa isip yata nya ay sino itong mahaderang ito na nag-uumingles sa kalagitnaan ng Caloocan. Hinanap ang medyo nakatataas nsa kanya at nagtanong. Ayun,may extra soup na si ate.Kapag hindi nila ako binigyan ng extra soup malamang nasundang yung "Are you sure?" ng "Do you want me to freak out?"


Sabi nga ng pinsan kong si Roman, ipinasa ko raw yung stress ko dun sa pobreng service crew. Hay ang malas nya. Ni hindi ko naman sinadya yung mga reaksyon ko. sadya lang siguro talagang mainit ang ulo ko kahapon.


Makapag de-stress nga.Susubukan kong magluto mamaya.
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin