Saturday, August 8, 2009

Sabado na naman

Ayokong-ayoko pag sabado.Pag sabado kase day off na ni peanutbutter at dahil nga callboy [ call center boy] si peanutbutter,hapon ang uwi nya at ang nangyayari ay sa kagustuhan nyang sulitin ang rest day nya ay gabi sya matutulog. Kahit pilitin mo syang matulog ay hindi talaga sya matutulog. Dahil pagod na pagod na sya sa buong magdamag at sasamahan pa ng buong maghapon ay grabe na sya sa pagka-CRANKY! Daig pa ang nagda-DIET na may PMS!

Kanina, super pagod sya dahil ayaw humiwalay sa kanya ni Ykaie. Eh natulog ako kasi sobrang pagod na talaga ako at ilang days na akong nag-aadik (puyat). So, nagbabantay na ang lolo mo sa shop, binabantayan pa nya si Ykaie. Ang siste ay ilang beses na naman akong nasinghalan at nasimangutan. Buti pang di na lang ako natulog at nagpakalunod na lang ako sa isang drum na kape.

1 comment:

Mom of Four said...

Well, singhal at simangot lang naman, yaan mo na, kasi used na siya sa mga customers nya sa phone na masrap kutusan, hehehe.. Isipin mo na lang na labs na labs mo siya. Ganyan ang ginagawa ko kay Rodney kapag gusto ko na siyang tabunan ng unan sa mukha kapag tulog, hehehe..

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin