Ang kapitbahay namin ay nagtitinda ng almusal araw-araw mula lunes hanggang sabado. Kadalasan ay dito ako bumibili ng almusal.Minsan pati mga batang papasok sa iskwela ay dito na rin bumibili ng baon nilang sandwich. Dito sa Pilipinas ay hindi mawawala ang kapitbahay na nagtitinda ng almusal.
Marami silang tinda katulad ng Pancit Bihon, Macaroni/Spaghetti, at Champorado pero ang halos lagi kong binibili ay ang Chicken Sopas na nilalagyan pa ng isang pirasong nilagang itlog ng pugo. Paborito rin kasi ito ng aking anak.
Ang isang tasa nito ay nagkakahalaga ng P13.Masarap ang chicken sopas nila,pramis!
ito po ang aking lahok para sa
. Magandang Huwebes!
12 comments:
Ang sarap na pang-agahan yan,Peach!!At pag may nakikita akong ganyang,pinoy na pinoy ang dating talaga!!Naalala ko ang tinda namin dati^_^
Thanks for posting!!^_^
http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/08/lp-69-almusal-breakfast.html
parang magkamag anak ang lahok natin. kambal sa uma para sa tag ulan. he he he
mukhang masarap nga ang chicken sopas. Laking tulong nga ang mga kapitbahay na nagbebenta ng almusal, bawas stress sa umaga lalo na kung gahol sa oras.
Magandang araw!
ok na ok yan. isng mainit na sopas lalo na pag umulan
Masarap pala mangapitbahay sa inyo...hehe.
convenient din pag ganito di ba at nakakalimutan magluto...lalo na ako, takbo ka lang sa kabila me food na!
ang sarap sarap niyan :)
nakapagtinda na rin kami tulad ng ganyan hehehehe. convenient para sa mga nanay na wala ng oras para makapaghanda ng almusal :)
eto naman po ung akin :D
Proteksyon at Almusal
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
nakapagtinda na rin kami tulad ng ganyan hehehehe. convenient para sa mga nanay na wala ng oras para makapaghanda ng almusal :)
eto naman po ung akin :D
Proteksyon at Almusal
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
Oo nga nao, sa atin dyan sa Pilipinas ang kapitbahay tyak may tindang pagkain...suerte mo naman at may breakfast pa sila!
Sopas, ang paborito ng asawa kong hindi Pinoy ha ha!
Mukhang masarap nga ang sopas, creamy ang itsura.. sa Bagumbong din, daming nagtitinda ng ganyan, di na lang ako umaabot, hehehe...
yummy! ako din mahilig din sa sopas...i wouldn't mind having that for breakfast :)
hala! parang naamoy ko naman yang pancit at sopas! nkk-miss naman ang ganito..tindahan sa kapitbahay! at mainit na almusal pa!:)
Post a Comment