Thursday, August 20, 2009

Great Image adventure

Ang hirap pala pa-piktyuran ng isang 1 year and 9 month old na bata sa studio?! My guzz, I just found out yesterday!! Pina-piktyuran namin ni sis si Ykaie sa Great Image. Sa totoo lang, ang mahal magpa-picture sa studio,huh? P650 per set/ four 3Rs. 10 shots, you get to choose four poses.........pwede na rin.


I let her eat cotton candy para naman magkaroon ng energy. Sumayaw-sayaw at mag-smile habang pinipicture-an. Wala pa yung photographer, kembot na sya ng kembot at smile ng smile. Pagdating ng photographer nahiya na. Kinailangan pa namin ni ate sumayaw at kumanta ng Igiling-giling para sumayaw rin sya at tumawa-tawa. Kinailangan ko rin sya utuin ng hand sanitizer na peborit nyang ilagay-lagay sa kamay nya at amuyin para magtatawa.

Nakupo! hingal na hingal at pagod na pagod kami ni ate pagkatapos noon. More than ten shots na nga kami inabot. Sabi ko nga kay ate, papayat pala kami kapag ganito...hahahahaha

Tomorrow pa makukuha yung pictures. Two sets na yung pina-print ko so bale P1,300.....dumugo yata ng konti yung bulsa ko. Pero wag ka, papa-picture-an ko sya next time sa Pic A Boo (children's studio) para may mga costumes and stuff.....

2 comments:

Clarissa said...

Oo nga,pahirapan sa picturan sa studio!!Pati nga ang photographer eh nahihirapan din kung papaano kunin ang loob ng bata para lang makakuha ng isang magandang smile!

Give my regards nga pala kay Anney pot!!^_^

- A n g e l - said...

Definitely worth the trip. ; )

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin