Monday, August 10, 2009

mga pang-araw-araw

Ako:   Ano bibilin mo sa palengke?
Si ate: Papel de hapon,alam mo yun?
Ako:   oo, yung parang crepe paper na ni-rebond? di ba eto yung sinasawsaw sa tubig at ginagawang blush-on noong araw?
Si ate:  de, crepe paper yun
~♥~
Nung isang araw nandito na naman sa shop yung ale na parang may topak. Lagi kasing dumadaan dito yun at kung anu-ano ang itinatanong na ipapagawa nya,kesyo magpapa-scan,kesyo magpapa-print..hindi ko alam kung gusto lang nya akong chikahin o meron syang special desire to get close to me na para bang bestfriend nya ako nung past life namin.WTF?!
Himalang nagpagawa sya ng resume nung isang araw:

Ale: Uy, magpapagawa ako ng resume eh. May format ka na ba na ready dyan?
(at dahil ayoko ng humaba pa ang usapan, kahit meron ang sabi ko ay..)
Ako:  ay wala eh. pero kung meron kang dalang resume pwede ko namang gayahin yun.
Ale:  Ah okay. Eto kasing nandito akin ito.. yung ipapagawa ko sa iyo sa husband ko.
Ako: Patingin nga ho ng format
Ale: Ito kasing nandito akin ito eh. Akin ito..
(Paulit-ulit sya..kanya daw yun,kanya)
Ako: EH HINDI KO NAMAN HO INAANGKIN, TITINGNAN KO LANG HO (sabay ngiti para masaya)

O e di natapos. babalikan nya daw yung resume ng hapon. Ang siste nakalimutan ko gawin.Pagbalik nya kinabukasan ng umaga tsaka ko lang ti-nype habang kinukuwentuhan ko sya...hahahaha

Wala lang. I crave for conversations like these.Minsan kasi nag-stuck-up ang utak ko.
--------------------------------------
Aalis ako mamaya..sana may kumasyang damit...hahahaaaa

2 comments:

Rossel said...

minsan masayang makipagkwentuhan sa ganyan ano?kaso pag araw-araw nakakainis na rin!

♕ reyna said...

hahahaha... kakatuwa... ^_^

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin