Monday, August 31, 2009

Tramway Garden Buffet

HAPPY BIRTHDAY ATE NYDIA!!!
Thank you for the birthday blow-out at least nakapag-bonding ever tayo kahit konti. Nalaman ko kung paano kayo mag-jamming ni Tito Gener......nakakuha ako sa iyo ng tips kung paano ako makiki-jamming kay fudra in the near future...hehehe
My wish for you? Sana magkatuluyan na kayo ni ----blip!blip!---- at mag-produce ng maraming maliliit na nydia...hehehe.
Anyhoo,this is actually the first time I heard of Tramway Garden Buffet. Kung di pa magse-celebrate ng 18th [wink*wink*] birthday ang aking beautiful cousin na si Ate Nydia, hindi ko pa malalaman na such a resto exists in Timog Ave.
 Picture ni Ykaie habang naghihintay sa labas ng resto. Dinner time ito at yang mga oras na yan ay gutom na kami at natatakam na si ate sa lechon sa picture sa signage. Pero sa totoong buhay, wala palang lechon sa buffet table.......Ahahahaha
iismayl-smile yan pero wag ka, nung kainan na  borlogs sa couch....
Then here comes the food. Sorry for the blurry food pictures. Medyo nahirapan ako at itinatago ko sa ibang tao sa buffet table. Wala pang flash. Baka kasi malurky sila at kuyugin nila ako pag inakala nilang sila ang kinuluhanan ko ng picture.
Seafood Miso Soup
Di naman ako sure kung yan nga ang pangalan ng soup na yan pero sure ako na may miso at seafood yan..hahaha. nasarapan nga ako jan eh. May crabsticks at shellfish yan sa ilalim, kailangan kalikawin mo para makuha mo.
Egg Drop Soup
Actually, tinikman namin ito ni ate at the end of the meal. Parang naging dessert. Ganun talaga sa buffet, huli mong kainin ang sa tingin mo ay hindi masyado masarap, para hindi ka luge.
 Sa totoo lang madaming tao sa Tramway. Kasi naman sulit na sulit ang buffet nila na P208 per person during weekdays and weekend dinner.
Tig-isang plato ng Buchi at Pakwan
Bago pa simulan ang paglamon ay nagsikuha na agad sila nito. Excited. Kaloka!

Buffet Table
Orange Pork and Fried Rice
I was expecting Lemon Chicken pero  fueydi na rin...
Pancit Bihon at ..(?) Ginisang Pechay
Hindi ko ito pareho tinikman kaya di ko alam kung masarap ba sila at kung masarap ba itong mga pechay na ito...
Dimsum
The one under that, siomai. Ito masarap kasi masarap sya isawsaw sa chili-garlic oil, toyo at calamansi..
Fried Siomai
This one..I lurve!♥  Crispy crunchy siomai dipped in chili-garlic-calamansi-soy-sauce!
Steamed Fish
parang di na masyado masaya pichuran dahil paubos na pero masarap naman din sya.
Century Egg Slices
Yan ang dating tukso kay peanutbutter noong nagtatrabaho pa kami bilang human coffee maker sa istarbak...
Squid Curry and Eggplant Churva
Peborit ko ang squid curry, may kinakainan kami nyan sa Ongpin na masarap talaga, pero itong eggplant churva ngayon ko lang na-try. Sa buffet pa!
Pork Roll and Chicken
Yung pork roll para syang ground pork na ni-roll sa nori tapos yung chicken parang soy chicken pero di ako tumikim.
Seafood Macaroni Salad and Sweet and Sour Pork
Another peborit ko yang sweet and sour pork kaya tuloy sandamakmak ang nakain ko nyan....burp!
Bread, Bicho-Bicho Rounds, Banana Roll with Sesame Seeds and Fried Veggie
Mga pampa-alis suya pag ayaw mo na ng meat...sweetened breads..
Salad Table: Veggies with Thousand Island Dressing, Pasta Salad, Buco pandan Salad and Watermelon
Syempre mas masarap ang Buco Pandan Salad ko dito, pero carry na..kinain namin ito lahat...
 Ginataang Halo-Halo
weird ang pagkalapot nito at lasang banilya [vanilla]
My first plate.
Tikman ang lahat. Kumuha ng tigkokonti.Mamaya na kumuha ng marami kung may magustuhan.
Matapos magsilamon at mangabusog ay nakuha pa magpa-picture..hahaha. [Fr L to R] Joffrey, Ate Tess, Ate Nydia a.k.a. Birthday Gurl and Ate Irene. Hindi ako sumama sa picture..hindi ko maatim..hahahahah..
Over-all experience? I had a nice time with everyone. Sana maulit ito kahit na walang manglilibre..

Tramway Garden Buffet
65 Timog St. near Tomas Morato,
Quezon City 
415-2005

2 comments:

Kim, USA said...

Grabe na to ang sarap nang foods lol!! How much per head?

Reagan D said...

waw namiss ko ang tramway! di ko na nabilang kung nakailang plato ako nung last ako nagpunta. 5 ata?haha, sarap!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin