Tuesday, September 1, 2009

Hay nako bumili yata kami ng kunsumisyon....

Nagdagdag kami ng computer sa shop, at dahil masyadong malayo yung dati naming kinukunan ng computer [sa PC Bodega, Broadway] nagpasya kaming dito bumili sa PC Gilmore sa 9th ave, Caloocan.
Nanuna na naming binili yung monitor nung masira ang monitor kong isa dito,so CPU na lang. Ina-assemble pa lang ang CPU ay imbyerna na ang nag-aassemble at para syang tamad na tamad. Nung unang pag-check nya ng CPU ay nag-system eror na. Nanghingi na sya ng kapalit na video card dahil alam nyang yung ang problema. Pero nanaig ang ka-impaktuhan nya at ginawan nya ng paraan ang vid card. Kumuha sya ng magic eraser to erase the problem away. Gumana na ang CPU. Hindi na ipinalit ang bago. Eto ka, kabago-bago ng computer ay nag- BLUE SCREEN ito.

Kanina ay ibinalik namin sya sa PC Gilmore at inasikaso naman kami ng assuming na si ANDAK. Kaso lang, hindi pa nya tinintingnan ang CPU ay para syang may psychic power na na-sense kung ano ang problema nito. Bongga diba?! Gusto nyang i-evaluate. At pagkatapos ng matagal na sandali ay sinabing ang software daw namin ang may problema. WTF?!?! Haler?

Ang kinahinatnan? iniuwi namin ang CPU at ire-reformat din. Sana di na lang namin ibinalik dun, just to be assisted by a person na parang ayaw ka naman talagang tulungan. Hindi na talaga kami bibili ulit doon. sasadyain na lang namin ang PC Bodega c/o EDWIN, who, by the way really gives good great customer service.

Yun lang..naghinaing lang....

2 comments:

Kim, USA said...

Naku may mga psychic power na pala mga tao dyan hehe.

Rossel said...

tinatamad yon kaya ganoon.hay naku, tama lang na wag na kayong bumalik doon. sigurado mangungunsumi ka lang ulit.

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin