Saturday, September 19, 2009

Aym bored to death...

Nakakainis!Bored ako. Gusto ko umalis di naman pwede at walang magbabantay dito sa shop. At kung may magbabantay naman, wala naman akong kasama.

Unang-una, wala si peanutbutter dahil may team building daw sila sa Laguna. Bumili pa nga kami ng tinapa sa Concepcion kahapon para baon nila. Weird lang,huh? Naghihingalo na yung account nila nagti-team building pa. Gara.

Pangalawa, nag-PMS yata ang ate ko at may toyo. Hindi sya masaya kasama lumarga kapag may konting sayad sya. Kasi bukod sa nagiging kuripot ay mainisin pa. Di nya ako ililibre..ahahaha.
---------------♥♥♥--------------

Nakakalurky, nabasag ni Ykaie yung salamin sa cabinet dun sa bahay ni Tita Beka kanina lang. Buti hindi sya nasugatan. Pinakita na lang sa akin ni Tita Eva yung basag na salamin. Susko! Di bale ng  gumastos ako basta wala syang sugat.

Eh kaninang umaga lang lumapit sya sa akin at ang sabi sa akin "mommy, gawa baby.." . Ngek! Para namang ganun-ganun lang ang gumawa ng baby. Bakit nya nasabi yun? Paano nakikipaglaro sya sa baby na dumaan tapos noong kailangan na umalis nung baby nalungkot na sya kasi wala sya kalaro...

Teka lang sisilipin ko kung nakalabas na yung ihawan ng kapitbahay, bibili ako ng inihaw na hotdog...

1 comment:

Mom of Four said...

Hehehe, ang cute naman ni Ykaie. Gawa baby na kasi kau noh!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin