Matagal-tagal na rin akong di nakakain nitong Jamaican Beef Patty na Pinatubo. Favorite ko to eh. Noong nagtatrabaho pa ako bilang barista/supervisor sa isang pamosong coffee shop sa Robinson's Place ay dalawa lang nito lunch ko na..
Halos kadarating ko lang at may pinuntahan kami ni ate at Ykaie sa Makati. Ang hirap talagang bumiyahe kapag umuulan. Kundi nga lang importante ito,di talaga ako aalis.
Kanina, noong pauwi na kami ay napa-Starbucks kami dyan sa may Starbucks sa Waltermart. nadi-jingle kasi si ate ayun tumuloy na sa Venti Caramel Dark Roast Coffee Jelly Frap at Butterscotch Fudge Bar. Si Ykaie nag-french fries sa katabing Jollibee. Nakita ko yung dati kong kasamahan. Manager na sya nung store na yun. Wala lang. Nakakatuwa lang, you see people you used to work with again. Di naman kami close or anything. nagpa-plastikan pa nga kami before..hahaha [aminin!]
Yun...bukas ko na kwento yung iba pang details ng aking araw....
No comments:
Post a Comment