Thursday, September 10, 2009

Mga Eksenang Pang -inis

Ayun na nga at napa-Starbucks kami nung Martes bago pa umuwi dahil unang-una ay naji-jingle na si ate at pangalawa ay super duper mega hirap sumakay. May napara man kaming taxi ay sukdulan naman ang pagtanggi na ihatid kami sa Glorietta.

Pagkatapos namin manginain ng  Venti Caramel Dark Roast Coffee Jelly Frappuccino, Butterscotch Fudge Bar at Deli Sandwich ay lumabas na kami para mag-taxi. Ang balak namin ay unti-untiin na lang ang biyahe papuntang Caloocan. Kunyari, taxi hanggang megamall, tapos sa megamall ay taxi papuntang SM North tapos sa SM north na kami magta-taxi pauwi. Noong pumara kami ng taxi ay:

EKSENANG PANG-INIS #1

Taxi Driver: San Kayo?
Ako: Ma, sa Megamall ho.
Taxi Driver: Dagdagan nyo na lang ho at traffic
[Haler, malapit na nga lang nagpapadagdag pa?]
Ako: O sige Glorietta na lang.
Taxi Driver: Sige

Pagkatapos ng limang minuto.......

Taxi Driver: Dito na lang kayo sa Glorietta 3 kasi yun yung pinakamalapit dito sa daan natin eh
Ako: Sige, dun nyo na lang kami ihatid pero dagdagan nyo ho kami ah....

tapos tsaka ako nagtatawa....Ahahaha. Eh gago eh. Nagpapadagdag tapos kung san nya gusto kami ihatid dun nya kami ihahatid porke't mahirap sumakay at masama ang panahon. Pikang-pika nga, di natawa...di siguro nya na-get yung "humor" ko...

EKSENANG PANG-INIS #2
Etong nagda-drive ng taxi na to nung martes, na pipila-pila sa Taxi Lane sa Glorietta tapos eh ayaw maghatid sa kung saan pero inutil na "to any point in Luzon" ang nakalagay sa taxi nya at hindi naman "to any point in Makati".

Matanda na, inutil pa. Di pa makipagkita sa creator nya....

Isinakay kami sa taxi lane tapos ay ibinalik ba naman kami sa Pila. Sana pala napa-tiketan sa MAPSA ang p^ny3t@.



----------------------------------------
Buti na nga lang at hindi lahat ng taxi ay ganoon..Yung taxi na nagsakay sa amin papuntang SM North ay humingi pa ng pasensya at hanggang doon lang nya talaga kami maihahatid. Sinobrahan ko na nga yung bayad dahil sobrang grateful ako pero sinuklian nya kami at naintindihan nya daw.
Pagod at inis na ako kaya walang picture itong si Manong pero Manong Saludo ako, as in SALUDO AKO sa inyo!!

2 comments:

Chuck said...

I found this great review that lists the 10 best restaurants in the Philippines… I’ve been to many of them and the food was incredible! Check out the review here: http://www.petaasiapacific.com/action-alerts-item.asp?id=2307&c=pappvrpro

Kim, USA said...

Naku sumakit ang tiyan ko sa kakatawa sa post na ito mommy peach, "to any point in Luzon" pa ang nakatatak ha sarap kaya batukan doon hehe! Pero sa sabi mo nga meron din namang maganda ang ugali at talagang honest kaya it was so nice of you to gave an extra. Thanks for sharing!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin