Saturday, September 12, 2009

Mga Kinain ni PGMA and company sa Le Cirque

Na-receive ko ito sa e-mail at ako ay namangha. Nais kong ibahagi sa inyo para mamangha din kayo:


Mga kababayan silipin nga natin kung ano itong pinag iinitang mga kinain daw ni Kamahal-mahalang Pangulong Gloria sa Le Cirque New York at ang kanyang mga kampon. Since may ambag naman tayo (as a taxpayer ) dapat lang sigurong makita natin kahit sa picture man lang ang mga pagkaing nararapat daw para sa ating mga honorable public servants. Take note mga kaibigan, US DOLLARS yan.....

   
Ang bill ng entourage ni Gloria sa Le Cirque
Golden Osetra Caviar . Sa Tagalog, kumpol-kumpol na itlog ng isda. Rare daw ito. Malansa at lasang bagoong, sabi ng iba. Kulay itim lang to pero
ang lasa siguro nito ay kagaya din ng itlog ng galunggong, di kaya? Php13,720/order 
 
California Osetra Caviar . Kumpol-kumpol na itlog ng isda na mula sa California . Mas mura kesa sa Golden Osetra Caviar. 
P4,900/order 
 
Le Cirque Salad . Pinaghalo-halong mga gulay tulad ng lettuce (wag kayong jologs, hindi [let-us] ang pronunciation nyan, kundi [let-is] , okay?)…sige na nga litsugas nalang…  ano pa ba yan? er…sibuyas, balat ng sibuyas, sitaw, mayana, dahon ng gumamela, etc… P1,078/order lang yan
 
Le Cirque Lobster Salad . Merong lobster meat, pipino, avocado, kamatis, okra saka dahon ng sibuyas. P2,842/ isang plato niyan
Le Cirque Tuna . Syempre merong tuna dyan (na posibleng galing sa GenSan), orange, sesame seeds, wasabe ata yung green paste sa ilalim,
anim na pirasong halamang ligaw (dami dito samin nyang dahon na yan!) saka ilang patak na orange sauce. P1,029/order naba yang apat na hiwang yan?
 
Le Cirque Soft Shell Crab Tempura . Ngayon ko lang nalaman na meron palang crab na soft ang shell nya…ahihihihi…So ang ingredients dyan ay crab
saka harina tapos may kamote at ang paborito ni Popeye na spinach P1,078 /platter
 
 
Le Cirque Spring Pea Soup . Mga pataning pinaikot at pinalamutak sa blender para maging soup. A.k.a. Etchas ng baby P1,176 isang bowl?
 
 
Le Cirque Wild Burgundy Escargot. Pronounced as [es-kahr-goh] . Tandaan nyo yan para hindi kayo magmukhang enggot pag kumain kayo sa Le Cirque in the future, okay? Ang escargot ay kuhol. Madami niyan sa palayan kapag tag-ulan. Hmmmmmmmmm…sarap ng ginataang escargot! Kasama ng escargot dyan ay 2 munchkin donuts, makapuno, itlog ng isda saka ferns. Ito daw ang nagustuhan ni Senator Lapid dahil favorite nya ang kuhol. P1,421/order grabeng mahal naman ng kuhol na yan!
 
Le Cirque Torchon of Foie Gras . Ang foie gras ay atay ng bibe or gansa. Ang pagbigkas nito ay [fwah-grah] . Ang torchon naman ay isang paraan ng pagluto ng foei gras na kung saan ibinabalot ito sa isang tuwalya at niluluto sa mainit na likido tulad ng alak o tubig. P1,715/order lang naman yan 
 
Paupiette of Black Cod . Ito’y manipis na piraso ng isda (black cod) na nirolyong parang shawarma at merong mga gulay sa gitna.Paupiette is pronounced as [poh-pyet] . P2,401.00 / order (pun-yeta!!!!!)
 
Le Cirque Halibut Poached in Cocunut Milk. Halibut is pronounced as [hal-uh-buht] . Ito ay isang uri ng isda. Ang price P1,960 /order
 
 
Dover Sole . Isa rin itong uri ng isda at ito rin ang pinakamahal sa main course na inorder ng ating mga public servant P3,675/order wow na wow. Ano kaya ang lasa nyan, noh? 
 
Le Cirque Saddle of Lamb . Ano ba ang saddle sa Tagalog. Hmmmmmmm…part daw ng backbone and loins. Eh ano yung loins sa Tagalog? Tadyang o pigi? Ay basta tupa lang yan! P2,548/order naman yan (anak ng tupa naman....)
Krug Champagne . Sa sobrang sarap ng Krug, umorder sina Gloria ng labing-isang bote nito. Kulang-kulang Php 249,000 lang naman iyang 11 bottles na yan. Ilang ginbulag kaya ang mabibili sa Php 249,000.00? Teka, downpayment na yan para sa isang bahay ah! Tsk…tsk…tsk…  
Sorry wala yung pix ng ibang entrees.

3 comments:

rjs mama said...

hindi naman kaya sumakit tiyan nila sa dami ng kinain?

may natira kaya/ sana pinabalot nila para ibinigay sa mga bata sa lansangan na wala makain

Reagan D said...

ive seen this "bill" on mlq3's blog. it was forwarded to him by a friend, and the bill was an "assumption", to see what they(GMA) couldve ordered to reach the said amount. and the next day, newspapers erroneously reported it as certified.

but nonetheless, it is still disgusting for GMA & friends na umorder ng ganyan.

oo masarap nga, pero naman!
(tamaan sana ng diarrhea)

Kim, USA said...

ahahahahahha natawa ako dito mommy peach, ang mahal nga dyan sa restaurant na yan eh di mo man binayaran ang pagkain ang plating at ang lugar ang binayaran nila. Eh pwede naman silang magbili nang hamburger mas masarap pa kesa itlog nang isda hahahaha! At sa wine naku po mas masarap ata ang tuba sa atin hahaha!!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin