Jellybeans
Una naming napag-diskitahan ang Chocolate Covered Almonds which is one of their bestsellers. I think it was P75 for 100g pero sulit naman dahil masarap. Gusto ko na nga bumili ng isang kilo at tabunan si peanutbutter♥ na kupit ng kupit habang naglalakad kami. Halos ubusan ako ng loko.(peace tayo...hehe).
Pagkatapos namin bilhin yung chocolate covered almonds ay nabaling ang atensyon namin sa estante ng tsokolate. Susko! ang sasarap ng flavors! hmmnn..magkano naman?!
P24.90/10grams or P50/pc, my gas pulgas! medyo nakakalula ang presyo at hindi naman rich ang lolo at lola nyo.Sinkwenta pesos para sa isang piraso ng tsokolate? Eh 2 balot na yun ng chocnut o kaya 1 balot ng M&M's, may sukli pa. O siya, para naman hindi masayang ang lahat at dahil sadyang matakaw talaga kami ay bumili kami ng tig-isa ng gusto namin. Isang piraso ng Chocolate Peanutbutter Cups para kay peanutbutter♥ at isang piraso ng Chocolate Covered Cherries para sa akin. (P112). Haayy, feeling ko babalik ako para bumili ng 3 Chocolate Covered Cherries
hmmmnn..iba't ibang flavors ng Chocolate Body Frosting?! Parang ang saya nito ah. Kailangan meron ako nito sa susunod na bakasyon namin...hahahaha.[DJ, oh..baka gusto mo bumili? ahaha.]
Nag-aala Mr. Bean at ginugulo ako habang namimiktyur..hahahahaha
At syempre, sya ang namili ng kakainan : Marina
Cacao
At syempre, sya ang namili ng kakainan : Marina
Cacao
2nd Level
SM, The Annex
North EDSA
8 comments:
wow! chocolates!!! Love ko din yan!!! Parang nag-crave tuloy ako! Nkkatuwa naman na pareho kayong gusto ng chocolates! Nkikiagaw pa sa yo si hubby! :)
Woooooow! That's all I can say. Grabe heaven yan for chocolate lovers like us! Hehehe.
may bago akong dadalawin sa SM North!
ha ha. Hahanapin ko yan at pupuntahan ko yan talaga !
waaah! love ko chocolates kaso di pa ako pwedeng kumain hanggang hindi magaling gerd ko.
nga pala pag nagpupunta ako sa peach kitchen nagwa-warning pc ko. may trojan virus daw kaya di ako makadalaw doon ngayon. just in case you didn't know.
saan itoh? kailangan kong mapuntahan...KAILANGAN...;p hehehehe
Yung Pau, halatang 'di nagbabasa o. Naka-post na nga kung saan e. Nakatitig lang sa chocolates XD
Post a Comment