I find Xend Express to be very incompetent when it comes to deliveries. Kung gusto nyong umabot ng 10 years ang item na ishi-ship nyo, ayan, dito kayo magpa-deliver. I bought peanutbutter♥ a Sandisk Sansa Clip which should have been in my hands since last tuesday but is still at the hands of these people working at Xend.
Last Tuesday aftenoon, noong tri-nack namin ang order namin, nakalagay ay unlocated address daw yung address namin kaya di nai-deliver. [pero kapag Air21, umaga pa lang nasa amin na ang package]. I called Xend at yung naka-sagot pa sa akin ay parang hindi nai-train ng maayos.Ni wala man lang good afternoon, how may I help you?. At mararamdaman mo sa boses nya na parang naiinis pa sya at tumawag ako. Sabi ba naman sa akin:
"Eh baka yung ibinibiigay nyong address, eh kapareho rin nung nandito?"
Hala! Aba, eh natural, dun ako nakatira. Kailangan ba na lumipat pa ako ng tirahan para makarating sa akin yung package na pinadala sa akin?! Haler?! Ang lakas ng tama mo, ano?
It took me less than a minute to find this map of our street on the net..I'm sure meron naman silang computers to look it up. Unlocated ba ang isang address na kayang i-locate ng less than a minute?
Question: Kung nakarating sila ng Caloocan City Hall today, assuming na nagpunta nga sila, hindi ba sila pwede magtanong sa mga sidecar/tricycle driver o sa kung kahit na sino na lang na naglalakad sa kalsada kung nasaan ang punyemas na Velasco St.?
At kanina, noong i-track ko ulit yung package,out for delivery since 5am daw pero hindi na naman nakarating sa akin yung package. Sigurado bukas ay unlocated address na naman ito! Kanina ay nag-email na ako, binigay ko na ang landline at celfone ko at sinabi ko rin sa kanila na tawagan nila ako kapag nasa City Hall na sila, pupuntahan ko na lang sila at ako na lang ang pi-pick-up sa package ko para SUMAYA AKO.
No comments:
Post a Comment