Monday, October 12, 2009

Delicious Restaurant


Ang Delicious Restaurant ay isang lumang restaurant sa Sta. Cruz, Manila malapit sa Ongpin. They serve mostly chinese dishes. Itong restaurant na ito ay yung tipo ng restaurant na makikita mo sa mga 1980's movies. Dito kami nananghalian ni peanutbutter kanina dahil
[1.] naglilihi sya sa Miki-Bihon Guisado; at
[2.] spontaneously ay niyaya ko sya sa Ongpin bago namin kunin ang bago namin printer.


Dito sa restaurant na ito yung tipong pag umorder ka ng sopdrinks ay makikita mo na kinakamay ng serbidora yung yelo galing sa cooler papunta sa baso.  Medyo may edad na yung ibang mga serbidora dito. Kanina nga si mother waitress habang kumukuha ng order nung isang mama sa kabilang table ay sarap na sarap na kumakain ng dalandan. Akala ko nga ay aalukin yung mama, hindi pala. Ang sasaya nila dito sa restoran na ito. Malaya nilang nagagawa ang gusto nila..hahahahaha



Mga sinaunang lalagyanan ng patis,toyo at paminta....hehehe. Pasensya muna sa mga pichures at celfone lang ang dala ko kanina.


Isfeysial Miki-Bihon Guisado (P80)
Kakaiba ang pancit na ito. Sila yata ang gumagawa nung mga meat-sausage-quekiam-fishcake na sahog na inilalagay nila sa ibabaw nito. Pero warning lang, bawal ang maselan dito dahil kapag nakita nyo ang mga cook nila? Nakow! Mga lalaking nakasando lang tapos naka-apron.Pawis na pawis sila dahil mainit sa kusina tapos para silang mga kontrabida sa mga lumang pelikula ni FPJ. Kukunan ko sana yung isa kanina kaya lang baka makita ako di na ako makalabas sa restoran..ahahaha.


Let's take a closer look. May squid.......at may......yung orange thingie na nakikita nyo ay hindi po carrots, isa iyon sa mga meat-sausage-quekiam-fishcake creations ng restaurant na itey. Okay rin naman ang lasa....may pagka-lasang intsik pero di gusto ni peanutbutter at pinagtatabi nya sa gilid ng pinggan nya.



Quekiam
Okay naman ang lasa nito kaya nga lang ay medyo kalasa nya yung isa dun sa mga meat-sausage-quekiam-fishcake creations. Mas maa-appreciate ko siguro sya kung di nya kasabay yung pancit. Malay ba kasi namin na ganun yon?


Calamares/Fried Squid (P180)
In fairness, madami ang serving ng squid.

Di ko na masyado inokray ang restoran dahil mabait at accomodating ang may-ari kanina. Tsaka bagay ang suot nyang Purple na polo. 10,000 pogi points po sa inyo,sir!

Delicious Restaurant
580 F. Torres cor. Gonzalo Puyat Sts., 
Sta. Cruz, Manila 
733-0394 

an entry for. Happy Start of the Week!

7 comments:

Gloria Baker said...

Dear peachskins! I love yor new header!!! beautiful picture if your and your sweetie!!! Have a nice week, kisses!!!! gloria

eds said...

hahaha.. natawa ako sa mga cook na nakasando.. macho ba peachy? kung machong pawisan ( tipong 6 abs na malaman ) at pogi, pwede nang pagtyagaan. para nga silang sa pelikula ni jolina at robin padilla diba? Cook din si robin dun hehehe.. pero kung swanget na pawisan pa nakupo parang bubuhusan ko yata ng alcohol ang pansit hehe.. sama nito me buhok pa sa kili-kiling nalaglag sa platito.. syet!!may quekiam na me balahibo pa .. yey!

Dj MariƱas said...

ha ha. Bigyan daw ba ng 10,000 pogi points si manong bosing. :-D

anne said...

Hi happy Pixel bug weekend to you, ang daming pagkain ah, anyway ang daming pancit really di ko yatang mag isa un lol

Anya said...

di pa ko nakakapunta sa delicious resto sa ongpin pero na-try ko na dun sa branch nila sa foodcourt ng 168 mall, mura lang dami na dba? if i remember it correctly na-feature na yan sa isang show sa abs yata, about sa mga murang kainan na masarap.

Chatty said...

mmm...nice name of resto, very unique and catchy! :) I'm glad you had a fun weekend! :)

Sassy Mom said...

Ang galing naman ng pangalan ng restaurant na iyan. Sa kuwento mo, e typical Chinese resto talaga sya.

Tama wag na okraying ang resto at baka kung anong ilagay sa pagkain mo. LOL!

Thanks for joining!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin