Tuesday, October 20, 2009

Meron na akong helper..Yehey!

Kahapon ay lumarga ako papuntang Quezon City para sunduin galing sa agency ang aking bagong helper. Yes, napilitan akong kumuha sa agency kasi kailangan ko na talaga. Sa susunod na buwan kasi uuwi na si tita eva papuntang Palawan at wala ng mag-aalaga kay Ykaie. Kailangan ko ng mauutus-utusan at mapapabantay sa shop. Syempre naman kailangan ko na sya ma-train ng kailangan nya gawin bago mangyari yon..

Dito kumukuha sila brother dear ng kanilang kasama sa bahay.Feeling ko ay okay din naman itong agency so I decided to try. P3,000 ang office fee to be paid upfront pagsundo sa helper.Plus P500 which is the salary deduction from the helper's first month salary. So, bale P3,500 ang una mong ibabayad. This P3,000 office fee guarantees the helper for 6 months after that its up to you and your helper.

What's nice about the agency is that they train the helper. Merong mga rules and regulations na kailangan nilang sundin. Tingnan nga natin kung madali syang i-train.

2 comments:

Mom of Four said...

Malay mo naman maturuan mo agad, di ba?? Tyaga lang naman saka be nice, ehehehe!

★stillFAB. said...

Goodluck ha. Sana ma-train nga agad and sana magkasundo kayo.

TC!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin