Saturday, October 17, 2009

Unat na!

Oh-Ehm-Gee!! Nagmukha na naman akong tao after two long years and countless scheduling ay nakapagpa-REBOND din ako buhok. At last! Thanks to peanutbutter of course, sa pag-sponsor ng pagpapaunat ng aking buhok at pagbabantay sa shop habang limang oras akong nire-rebond sa parlor.

Susko, minsan kasi nakakatamad maghihintay sa parlor. Hindi pa naman ako sa mga high-end parlor nagpapa-rebond kundi sa mga chipetik lang. Sa mga high-end parlor kasi P5,000 ang presyo sa buhok ko. Naku,Ha-high-blood-in ako sa ganoong presyo.Makakasama pa sa health ko, so dun na lang ako sa mura na,masaya pa. Ang hirap lang dito sa mga parlor na ito, sobrang dami ng isfeysial offer. Parang ang buhok mo ay totally damaged na sa dami ng nirerekomendang treatment na kung pagpapapatulan mo ay talaga namang mapapa-gastos ka ng husto.

Katulad na lang dito sa Parlor na ito...[Blind Item na lang ang pang-okray kasi nagustuhan ko naman yung rebond ko] Nakpaskil sa labas nila na ang presyo ng kanilang Forever Promo Rebonding [any length] ay P999.95. Peo kapag yun ang in-avail mong treatment ay sasabihin nila sayo na:
"Naku Mam, Yang wan tawsan rebond walang treatment yan. Mas maganda lagyan natin ng treatment para lumambot ang buhok mo."

At kapag di ka nakumbinsi ay tatakutin ka na nila:
" Naku mam, matigas yan lalabas, ikaw din"

Syempre ikaw naman, dahil takot kang maging ala-walis tambo yung buhok mo eh papayag ka ng lagyan ng treatment ek-ek yung buhok mo.Para saan pa kaya yung promo nila kung ganoon lang din. Sana di na lang nila yun pinapaskil. Nakakalurky! But in fairness, nakakaganda talaga ang magandang buhok. Sana lang nakakapayat din..hahahahhaa..

good night..

3 comments:

pet said...

isa kasi sa strategy nila yan na makakumbinsi ng kliyente nila sa paskil pa lang pero pag pasok mo sa loob iba naman pala ang dapat na gawin at medyo mahal pa nga. ganyan kasi ang mga pinoy, hehehehehe

Mommy Liz said...

Oh eh nasan ang proof, gusto ko ng picture..lang saysay ang rebond kung lang larawan, ehehehe!

Azumi's Mom ★ said...

im loving your blog hehe.. aliw ka talaga magkwento.. ay naku alam ko yang sinasabi mo, bakit kaya ganyan mga style ng mga beauty parlor dyan lol.. ako din dati, pag nagpa trim ako, sasabihan na dry ang hair ko kailangan i treatment, mura lang.. or minsan ang pangit daw ng color ng hair ko lol, minsan naman tatanungin kung kanino ako last nagpagupit dahil di daw pantay pantay... mga bading talaga lol

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin