Showing posts with label xend. Show all posts
Showing posts with label xend. Show all posts

Friday, October 9, 2009

To Xend: Pakidala sa Air 21 ang package ko, reliable sila

Today, I called Xend to check on my package and guess what? Iniwan daw nung nag-dedeliver ang package sa office nila dahil hindi ma-locate ang address. Ang galing ng effort nila. Hinihintay nila na ikaw talaga ang gumawa ng paraan to get your package.

Nung tumawag ako nung isang araw. I specifically told them na ide-deliver nila yun sa isang Internet cafe. I gave them the name of the computer shop and I SPELLED the name to their employee to make sure na tama ang mapupuntahan nila. Today, ang sabi ng employee ay "marami raw kasing computer shop sa General Luna" [being one of the reason kung bakit hindi na-ideliver and package]. Haler, Is this an oxymoron,I'm talking to? Unang-una, kahit na sandamakmak pa ang mga computer shop sa General Luna at ang buong street ay puro computer shop na lang at wala ng bahay impossibleng pareho-pareho ang pangalan ng computer shop doon. [Repeat: I spelled the name of my computer shop, obviously the employee DID NOT BOTHER to make a note of it] Syempre, iba-iba ang pangalan ng computer shops. Pangalawa, dadalawa lang ang alam kong computer shop sa General Luna!!!!!

Again, referring to the map of my unlocated address whether its Velasco or General Luna:

Ayan lang ang street.Magkalapit. Ang sabi ng employee? Kung gusto ko daw ay pick-up-in ko na lang ang package sa Mandaluyong? The neeeeeeeeeeeerve! Pakidala na lang sa Air21 at babayaran ko. Very reliable sila. Talagang nakakarating ang package the next day.

Thursday, October 8, 2009

Xend Express: 10 years ang delivery!


I find Xend Express to be very incompetent when it comes to deliveries. Kung gusto nyong umabot ng 10 years ang item na ishi-ship nyo, ayan, dito kayo magpa-deliver. I bought peanutbutter a Sandisk Sansa Clip which should have been in my hands since last tuesday but is still at the hands of these people working at Xend.

Last Tuesday aftenoon, noong tri-nack namin ang order namin, nakalagay ay unlocated address daw yung address namin kaya di nai-deliver. [pero kapag Air21, umaga pa lang nasa amin na ang package]. I called Xend at yung naka-sagot pa sa akin ay parang hindi nai-train ng maayos.Ni wala man lang good afternoon, how may I help you?. At mararamdaman mo sa boses nya na parang naiinis pa sya at tumawag ako. Sabi ba naman sa akin:
"Eh baka yung ibinibiigay nyong address, eh kapareho rin nung nandito?"

Hala! Aba, eh natural, dun ako nakatira. Kailangan ba na lumipat pa ako ng tirahan para makarating sa akin yung package na pinadala sa akin?! Haler?! Ang lakas ng tama mo, ano?

It took me less than a minute to find this map of our street on the net..I'm sure meron naman silang computers to look it up. Unlocated ba ang isang address na kayang i-locate ng less than a minute?


Question: Kung nakarating sila ng Caloocan City Hall today, assuming na nagpunta nga sila, hindi ba sila pwede magtanong sa mga sidecar/tricycle driver o sa kung kahit na sino na lang na naglalakad sa kalsada kung nasaan ang punyemas na Velasco St.?

At kanina, noong i-track ko ulit yung package,out for delivery since 5am daw pero hindi na naman nakarating sa akin yung package. Sigurado bukas ay unlocated address na naman ito! Kanina ay nag-email na ako, binigay ko na ang landline at celfone ko at sinabi ko rin sa kanila na tawagan nila ako kapag nasa City Hall na sila, pupuntahan ko na lang sila at ako na lang ang pi-pick-up sa package ko para SUMAYA AKO.
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin